Para saan ang sketch na ito? Nais mang balikan ni Mosaic ang loob ng ampunan at linawin kung bakit siya binigyan ng sketch ni Sister Lovie ay hindi na maaari. Baka mas lalong magduda ang mga madre na iba ang pakay niya sa loob lalo na’t napansin niyang nagmamasid sa kanila si Sister Esang kanina. Ayaw niyang masira ang plano. Ayaw niyang may mabiktima na naman ang mga sindikato na itong mga bata. “Bakit ‘di mo kasi tinanong,” tinig ni Hazza na nakaupo sa likurang upuan ng van. Tiningnan ko lang siya ngunit hindi pinansin. Kahit naman patulan niya ito ay wala siyang mapapala sa lalaking ‘to. Kanina lang, pagdating niya galing sa loob ay nadatnan niyang nanonood ng porn ang kurimaw imbes na magmanman sa paligid. Kaya naman ay naaasar siya lalo rito. Ibinaba niya ang bitbit na ske

