Hanggang gabi ay naging maganda ang pakiramdam ni Chanel. Hindi naman siya mahiyain kaya nakakausap niya ang mga pinsan at pamangkin ni Emil. Extra alaga naman ang lola nito at ina sa kanya. Maging ang tatay ni Emil ay marami ring kuwento at isa na roon ang tungkol sa kanyang ama at kung paano naging magkaibigan ang dalawa. Tawanan at kuwentuhan ang nangyari sa hapunan na ‘yon. Isang araw pa lang parang nagiging malapit na si Chanel sa buong pamilya ni Emil. Hindi siya malapit sa mga pinsan niya at nagkikita lamang sila kung may party at magkukuwentuhan na parang malapit sa isa’t isa kahit hindi naman talaga. Ang mga pinsan niya ay tila palaging ay pakiramdam na kompetensiya, at wala na siya sa edad para pa alalahanin ang ganoon kawalang kuwentang bagay. “Mag-iinom kayo?” tanong ni

