NAGISING si Ava na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. At nang magmulat siya mga mata ay hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso nang makita niya ang nakapikit na mukha ni Dimitri. At do'n lang din niya na-realize na magkatabi silang dalawa sa kama. At ang mabigat na bagay na nakadagan sa kanya ay binti nito dahil nakadagan iyon sa kanya, ang isang kamay naman nito ay nakayakap din sa kanya. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang nakatitig siya sa mukha ni Dimitri. Iniisip din niya kung paano sila nagkatabi na dalawa at kung bakit siya natulog sa kwarto nito. At huling natatandaan kasi niya ay nakakandong siya dito habang nagta-trabaho ito. Hindi na kasi siya nito pinaalis ng kwarto ng maihatid niya dito ang kapeng inutos nito kay Claire. At mukhang n

