"DON'T make mad, Ava. Dahil iba ako kung magalit." Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis-alis ni Ava sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ni Dimitri sa kanya noong nakaraang gabi no'ng subukan niyang tumakas. At kapag naalala niya iyon ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng panginginig sa katawan. She was scared of his word, na para bang kapag inulit niyang muli ang ginawa, ang pagtakas. Kapag ginalit niya itong ay may masamang mangyayari sa kanya. Dimitri is scary, lalo na kapag tinitingnan niya ang walang emosyon na mga mata nito. Binalaan nga din siya nito na huwag ulit niyang subukan na tumakas. Dahil kahit na anong gawin niya ay hindi na daw siya makakawala sa poder nito. And Dimitri is right dahil kung nitong nakalipas na araw ay pwede siyang lumabas ng kwarto niya

