MULA sa pagtanaw ni Ava sa bintana ng kwartong inuukupa ay inalis niya ang tingin doon at inilipat niya iyon sa dereksiyon ng pinto ng makarinig siya ng sunod-sunod na mahinang katok na nanggagaling sa labas ng pinto ng kwarto. At mayamaya ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok do'n si Edda--ang pangalan ng babaeng madalas na pumasok sa loob ng kwarto niya para ibigay ang mga pangangailangan niya, para ngang naging personal main niya ang babae doon. At sa pagkakataong iyon ay nalaman na ni Ava ang pangalan ng babae dahil tinanong na niya ito. Gusto kasing malaman ni Ava ang pangalan na nag-alaga sa kanya no'ng nagkasakit siya isang linggo na ang nakakaraan. Gusto niyang malaman ang pangalan nito para mapasalamatan niya ito sa mga tinulong nito. Ava was thankful ro Edda for taking

