MAAGANG nagising si Ava kinabukasan at dahil ayaw niyang magkulong sa loob ng kwarto ay naisipan niyang lumabas. Pwede siyang lumabas ng kwarto pero mahigpit nitong ibinilin sa kanya na hindi siya pwedeng lumabas ng mansion kaya hanggang sa loob lang siya. At favorite na lugar niya ay sa may kusina dahil nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin do'n. Nakakapagluto siya na isa sa mga hinahanap-hanap ng katawan niyang gawin. Isang linggo na ang lumipas simula noong dalhin siya ni Dimitri sa isa sa mansion nito sa Italy. At sa loob ng isang linggo na iyon ay hindi siya nakakalabas ng manion. Well, wala naman siyang balak dahil hindi naman niya kabisado ang lugar. At saka wala siyang pera pinanghahawakan para umalis. Pagdating ni Ava sa kusina ay naisipan niyang magluto ng breakfast. Kay

