"AVA!" Napatigil si Ava mula sa paglalakad nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. At nang mapatingin siya sa kanyang gilid ay nakita niya si Melissa, madilim ang ekspresyon ng mga mata nito habang naglalakad palapit sa kanya. "Anong kailang-- Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng bigla siya nitong sinugod. At ganoon na lang ang gulat na naramdaman niya ng bigla siya nitong sinampal na malakas. Tumabingi nga ang mukha niya sa lakas ng pagkakasampal nito. Hindi pa nga siya nakakabawi mula sa pagkakabigla ng bigla siya nitong sinabunutan. "You b***h! Ang landi mo! Pati boyfriend ko ay inaakit mo!" wika nito habang mahigpit siya nitong sinasabubutan. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nitong nasa buhok niya pero mas lalo nitong hinigpitan a

