Nasira na ang umaga ko nang pagpasok ko pa lang sa boutique ay iba na ang tingin sa akin ng aking staff at idagdag pa na nagbubulungan ang mga ito. Matalim ko silang tinignan at agad na tumigil ang mga ito at naghiwa-hiwalay. Inis akong pumasok sa aking office at bagsak na isinara ang pinto. Bagsak ko rin nilagay ang mga dala kong gamit sa aking mesa tapos ay lumabas ulit ako at pinagsabihan ang aking staff. Hindi na sila nahiya sa akin, ako na nag-hire sa kanila, na naging mabait na employer nila, may gana pa talaga nila akong pagtsisimisan! Mas naniniwala pa sila sa sinasabi sa social media na wala man lang ebidensya kung totoo ang nakasaad doon. Napaka-judgmental na talaga ng mga tao ngayon, hindi muna inaalam ang totoong kwento at kung maka-bash wagas! Sabagay, totoo naman na may relasyon kami na tatlo pero hindi ko ito pinagsigawan sa buong mundo. At ang nagkalat pa ng kwento sa social media na kesyo malandi daw ako, selfish, playgirl at kung anu-ano pa, sino bang hindi maiinis diba? I love them, I love the twins at genuine yon at hindi ko sila ginagamit para kumuha ng atensyon! Dahil sa galit ko, pinalayas ko silang lahat sa boutique at sinara ko na lang ito. At buti na lang ginawa ko yon kasi dumating ang press at pilit nilang kinukuha ang statement ko. Wow! Just wow! Nang dahil lang anak ako sa isa sa mga successful businessmen sa mundo, ganito na nila ako tratuhin para lang makakuha sila ng kwento, para kumita.
Tinawagan ko ang aking mga kapatid at nagkulong na lang ako sa aking opisina, doing some jewelry designs. Maya-maya nakarinig na ako ng sirena ng police at malamang hinuhuli ,ang mga taong sumugod dito sa boutique. Okay lang sana kung ako lang ang masisira dahil sa ginawa ng Maiko na yon na hindi pa naman confirmed. Pero masisira din ang pangalan ng boutique dahil dito and I can’t let that happen lalo na at may nagpapatayo ng jewelry boutique na katapat lang ng sakin. Ngayon pa talaga ito nangyari, malapit na ang launch! Tumahimik na sa labas na pinagpasalamat ko at sinagot ko ang aking phone nang makita na tumatawag sa akin si Greyson.
“Hey Ames… You okay? May mga media din dito sa building at hindi kami makalabas sa dami nila. Pupuntahan ka sana namin dahil alam namin na nandyan din ang press. Nakiusap na lang ako kay Mama na sunduin ka.”
“Ha? Si Ninang? Huwag na Son, dito na lang muna ako at tatapusin ko na lang ang aking mga designs. Sinara ko na din naman ang boutique at ako na lang ang nandito. Naimbyerna ako sa aking mga staff na mas inuna pa ako na pag tsismisan.”
“What?! How dare they?! You should fire them all!” narinig ko sa boses ni Den at napangiti naman ako. Mukhang naka-speaker ang phone ni Son.
“Wala bang gossip na umiikot sa office tungkol sa inyo, the famous Valdez twins?” tanong ko sa kanila.
“Ha! Subukan lang nila, I can fire them all and replace them easily. You should too, mas maraming deserve pa na maging staff mo. Kung ganyan din naman sila na inuuna pa ang gossip tungkol sa kanilang employer. Buti sana kung hindi mabuti ang trato mo sa kanila. Kumusta ka na baby girl? Sorry at kailangan mong pagdaanan toh, sana sinigurado ko na umuwi si Maiko sa Japan.” tumigil ako sa aking ginagawa sa aking narinig.
“Wait, hindi talaga siya umuwi? Ibig sabihin nandito pa rin ang stalker mo?” di-makapaniwala kong sabi.
“Yeah, nakausap ko ang parents niya sa Japan.” sagot naman ni Son. “Matagal na pala siyang naglayas sa kanilang bahay at hindi nila alam kung saan siya nagpunta. Baby, we are going to get you a bodyguard.” natigilan ako at bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi.
“Anong ibig mong sabihin? Am I in danger or something?” narinig ko ang malakas niyang paghinga at hindi sila sumagot kaagad. “Guys?”
“Sa tingin namin may mental illness siya at ini-stalk nga niya si Grayden. She might be obsessed with him and she will think na ikaw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Kaya siguro siya pumunta sa penthouse for confirmation at nandoon ka nga.”
“Seryoso? Pero ang sabi niyo matagal na silang hiwalay at one month lang ang tinagal ng relasyon niyo. How can she be obsessed that easily?”
“Matagal na siyang may gusto kay Den according sa kanyang mga magulang at ng maghiwalay sila, naging malala na siya at naglayas, hindi na siya nagpakita pa.”
“Wala ba kayong balita sa kanya noong nasa Japan pa kayo?”
“Hindi na kami nagtanong pa, nag-focus na lang kami sa aming trabaho at sa isa’t-isa. Kaya dyan ka na lang muna at susunduin ka ni Mama okay? Ayokong mapahamak ka baby… I’m really sorry at nangyayari toh.” sasagot sana ako nang may marinig akong kalabog na nagmumula sa labas. “Ames?” takang sabi ni Son. Tumayo naman ako at mabilis na lumapit sa pinto tapos ay ni-lock yon.
“Sa tingin ko may tao sa labas…” pabulong kong sabi sa kanya at napamura siya.
“Tatawag sayo si Mama pag andyan na siya. Hang on tatawagan ko si Kuya Yuli, malapit lang ang location niya sa boutique. I-lock mo ang pinto at huwag na huwag kang lalabas. Stay safe for us, we will come for you.” at bigla na lang naputol na ang linya. Kinuha ko naman ang baseball bat na nasa gilid ng aking office. Kumuha ako ng upuan at siniksik ang sandalan non sa handle ng pinto just in case lang na mabuksan niya ang lock, para hindi makapasok agad ang taong yon, kung sino man ang nasa labas. Hinintay ko ang tawag ni Ninang Sherri pero naisip ko na baka siya naman ang mapahamak. Kaya tinawagan ko siya at nagulat na lang ako nang may malakas na kumatok sa pinto. Nagtaka ako nang marinig ang boses ng aking ex, si Tyrell, pinakinggan ko ito ng mabuti at siya nga. Nagulat ulit ako nang tumunog ang aking phone at natuwa nang makita ang pangalan ni Ninang sa aking screen. Agad ko itong sinagot at sinabi ko na may tao sa labas ng aking pinto. Narinig ko ulit ang pagtawag sa akin ng aking ex at pati na rin ang boses ng Ninang ko. Kaya madali kong tinanggal ang upuan at binuksan ko ang pinto. Natuwa ako nang makita ko ang aking Ninang pero nagtataka ako kung bakit nandito si Tyrell at paano siya nakapasok.
“What are you doing here?!” tanong ko sa aking ex na kalmado naman ang mukha. Matalim itong tinignan ni Ninang at niyaya na niya akong umalis.
“I came to check on you, I was worried. Bakit hindi mo ako pinag buksan ng pinto?” huminga ako ng malalim at hinarap ko siya.
“Huwag ka ng bumalik rito Tyrell, okay na ako. Mag-focus ka na lang sa sarili mo, yon naman ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay. Umalis ka na, sasama ako kay Ninang.” bigla namang nainis ang kanyang mukha at galit siyang umalis.
“Ang weird ng ex mo hija.” sabi sa akin ni Ninang at bahagya lang akong tumawa. Nagpasalamat ako sa kanya at sinamahan niya akong ic-check ang mga CCTV, glass sensors at alarm. Nakita namin na pumasok si Tyrell mula sa CCTV na sa entrance siya dumaan, gamit ang isang susi at nakalimutan ko na may binigay pala akong spare sa kanya kaya kailangan kong magpalit ng lock. Sabay kami ni Ninang na lumabas ng boutique at sinigurado ko na naka-lock ng mabuti ang pinto at pati na rin ang grills na naka-install doon. Sumakay na kami sa kanyang kotse at umuwi na kami sa penthouse kung saan sinamahan niya ako doon hanggang sa nakauwi na rin ang kambal.