Kabanata 3 MAANG na napatingin si Ian sa lalaking kaharap niya. Gulat na gulat siya dahil sa dalawang katagang binanggit nito. Close ba sila? Ha? Close? Pero hindi niya alam kung bakit tila ba may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya nang marinig ang winika ng lalaking ito. Lalo na nang marinig niya ang concern sa tinig nito na kita rin sa mukha nito. Dahil nga roon kaya biglang nalusaw ang inis na kanina lamang ay nararamdaman niya patungkol sa lalaking ito. Ano bang mayroon dito at bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya? May mga ganoon pala talagang tao, 'no? Iyong inborn ang kabaitan. "What?" kunot-noo niyang tanong sa lalaki, hindi pa kasi niya alam ang pangalan nito kaya puro 'lalaki, lalaki, lalaki' ang tawag niya rito. Though pwede niya itong tawaging Mister Kille

