Kabanata 7 SA ROOFTOP ng main building ng SVU dinala ni Chuck si Ian. Nagulat pa nga siya nang malaman na dito siya nito dadalhin. Sa pagkakaalam kasi niya ay bibihira lamang ang mga taong nagpupunta rito. Masyado kasing nakakapagod akyatin ang rooftop. Nasa ika-walong palapag kasi iyon. Pero nakapagtatakang wala siyang naramdamang pagod noong inakyat nila ito ngayon ni Chuck. "Dito ako tumatambay minsan kapag gusto kong mapag-isa," ani Chuck at lumapit sa wire na pangharang sa paligid ng lugar. Dumungaw ito at napansin niya ang paghugot nito ng hangin. Tinatangay ng hangin ang buhok nito at hindi niya mapigilan ang sariling titigan ang lalaki. He looked so peaceful. So cool. Lumapit siya sa kinatatayuan ni Chuck at kumapit sa wire. Tiningnan niya ang paligid at namangha siya sa nakikit

