Kabanata 9 "ARE YOU okay?" Binalingan ni Ian si Chuck na siyang nagtanong. May pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang concern sa mga mata nito para sa kanya. Kaydaming emosyon sa mga mata nito subalit hindi naman niya iyon mabigyan ng pangalan kaya ipinagkibit na lamang niya iyon ng balikat. "I'm okay. Medyo na-shock lang ako kanina pagkakita sa kanila. Iyon kasi 'yong first time na nakita ko silang magkasama," aniya. Patuloy si Chuck sa pagtulak sa kanya habang nakaupo siya sa swing. Sa park hindi kalayuan sa SVU siya nito dinala n'ong hinatak siya nito papalabas ng McDo upang ilayo kina Aiden at Opal. Sabi nito ay mas mare-relax siya kapag doon sila pumunta dahil tahimik ang lugar at malinis. Nagulat pa nga siya n'ong makita si Chuck sa McDo but sh

