Kabanata 12 "BAKIT ba ang bait-bait mo talaga, Chuck?" Mula sa hawak-hawak na lyrics sheet ay tiningnan ni Chuck si Ian. Tapos na itong mag-practice at talaga namang napakaganda ng boses nito. Minahal niya ito at lalo niya itong minahal dahil sa boses nito. Tila ito isang anghel na umawit mula sa kalangitan. Pasalamat ka at hindi ka naririnig ni Cloud ngayon dahil paniguradong tukso ang aabutin mo sa lalaking iyon. When did you become so corny? aniya sa isip. "Ako? Mabait? Hindi naman, ah?" "Kung hindi ka mabait, ano pa ako? Demonyita? Ganoon?" nakataas ang kilay na wika sa kanya ni Ian subalit may ngiti naman sa labi nito. Tanda na nagbibiro lamang ito. "Kung ganoon man, isa ka namang mala-anghel na demonyita." "That's contradicting!" natatawang anito. "Pero bolero ka talaga, Chuck

