"SAPPHIRA Audrey Mendez..." dinig kong tawag sa pangalan ko. Agad akong tumayo at umakyat sa stage para tanggapin ang aking diploma. Sa wakas nakapagtapos na rin kami ni Daniella. Kung sana buhay pa ang mga magulang ko, sila ang kasama kong tumanggap nitong aking diploma. Gayunpaman alam kong masaya sila na tinupad ko ang matagal na nilang pangarap para sa akin. Today is our graduation day, pero hindi lubos ang aking kasiyahan dahil hindi umabot si Derick ngayong araw. Isa ito sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ko pero wala na akong magagawa dahil hindi siya umabot. Tatlong linggo na siyang nasa ibang bansa. Sabi nito sa akin 'nong mag-paalam siya na may business conference siyang kailangang daluhan. Hindi naman siya maaaring tumanggi dahil naayos na lahat ng kapatid niya. Isang malak

