HINDI na siya nakapagsalita. Matagal ng alam ng mga magulang ni North na hindi siya si Selena, pero hinahayaan lang siya ng mga ito dahil gusto siya ni Ma'am Noreen para sa anak nito. Suminghap siya at kaagad naalarma nang biglang nag-U-turn si Zephieru at ilang sandali pa ay tinahak na nila ang kabilang kalsada. “A-Anong b-binabalak mo? Saan mo ako dadalhin?” naaalarma na niyang tanong sa lalaki. Mas lalong humigpit ang pagkapit niya sa kaniyang seatbelt nang biglang bumilis ang pagpapatakbo ng sasakyan nito. “Zephieru, slow down! Oh my God! Mababangga tayo!” Malakas niyang sigaw rito nang mas lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan para lampasan ang malaking truck na nasa unahan pa nila. Halos mabingi pa siya sa businang galing sa malaking truck na pilit nitong nilal

