Chapter 28

2193 Words

FIVE DAYS. Limang araw na ang nakararaan simula nang pumunta sina Arrah at Ma'am Bea rito sa bahay at limang araw na rin niyang iniiwasan si North. Mabuti na lang at lagi ring nakadikit sa kaniya si Cloud kaya may dahilan siya para maiwasan niyang madikit sa lalaki. Lalo na at napapansin niya na simula nang may nangyari sa kanila ay ang laki ng ipinagbago ng ugali nito. Ang sweet na nito sa kaniya. Hindi na rin siya nito sinusungitan at sumasabay na ito sa kaniya sa almusal o baka sumasabay lang ito dahil kay Cloud. Napangiwi siya sa huling naisip niya. Pero hindi rin naman iyong imposible. Lalo na at nakita nito ang ginuhit nang pamangkin nito sa iPad noong isang gabi. Kaya baka iyon ang dahilan, gusto lang nitong pagbigyan ang pamangkin nito. Ilalapag na sana niya sa mesa ang platong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD