Chapter 21

2574 Words

MAS LALONG hindi naging maganda ang araw ni Serena nang dalawa sa mga batang pasyente na under niya ay magkasunod na namatay. Sa tagal na niya bilang nurse dito at sa dami na rin niyang pasyenteng inaalagaan na kalaunan ay nawawala rin ay hindi pa rin siya sanay. Ang bigat pa rin sa dibdib lalo na at unti-unti na naman na napalapit sa kaniya ang dalawang bata. Nang makabalik siya ng nurse station ay tahimik lang siyang naupo sa isang sulok. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng upuan at napayuko. “I heard that two children in your care died in succession. I’m sorry,” sabi ni Jane, isa sa mga nurse rito sa pediatric department. Napaangat ang tingin niya rito. Tumango siya at malungkot na nginitian lang niya ito. Iniwas din kaagad niya ang tingin dito at nagyuko ulit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD