MULA NG umupo ako kaharap ng pamilya ni Daddy James, hindi na ako nakaramdam ng kapayapaan sa aking kalooban. Pinaramdam nila sa akin na nandito man ako pero never akong mag-eexist sa kanila.
Nag-order nga sila ng food at nagtanungan din sila sa isa't isa kung anong gusto nilang kainin, pero ako hindi nila tinanong. Sanay naman na ako sa kanila at sanay din akong kumain kung anong nakahain.
Si Daddy James naman ay parang ligaya na ligaya. Mahal na mahal niya ang pamilya niya, para bang kaya ako kasama sa lakad na ito ay para lang inggitin ako at sampalin ng katotohanan na sila lang ang mahal ng aking Ama.
Nang dumating ang pagkain walang nag-alok sa akin na kumain o tumikim sa mga order food nila, bukod kay Jannessa. Hindi niya ako inalok pero nilagyan niya ng food ang plato ko. Ang nakakatawa at nakasaya ng puso ay pareho kami ng mga pagkain na gusto at paborito.
“Eat well po, Ate. Sarap ‘yan.” masayang sabi ni Jennessa kaya napangiti na rin ako.
Buong durasyon namin sa hapag kainan ay kami lang dalawa ni Jannessa ang nag-uusap. We enjoyed the food and the bonding we had. Balita ko never nakasundo ni Jaicoh ang bunso naming kapatid na si Jennessa, na kung tutuusin ay napakabait at lambing na bata.
After kumain ay nagyaya sa isang fun park ang iba ko na mga kapatid. Kahit si Jannessa ay tuwang tuwa rin. Sumunod lang naman ako sa kanila, pero hindi ako kasabay sa kotse nila.
“Nandito ka pa rin? Umuwi ka na bago ka pa bugbugin ng katotohanan na wala kang lugar sa buhay namin. Doon ka na lang sa Daddy Ninong mong manyak!” Bungad ni Jaicoh sa akin.
Noon pa man ay ayaw niya sa akin, pero ang ayaw ko lang ay kung anu-anong salita ang lumalabas sa bibig nito na paninira kay Hammer.
“Oh talaga ba? Manyak? May manyak pala na mas naging Ama sa hindi niya anak dahil pumatol sa ibang babae.” sarcastic na sagot ko kay Jaicoh. Malayo na sa amin ang iba kaya mas malakas ang loob ko na komprotahin na ang bruha kong kapatid.
Punong puno agad ako ng galit at inis kapag si Daddy Ninong Hammer ang inakusahan ng hindi maganda ng taong walang alam sa totoong buhay namin.
“So galit ka pala kay Dad. Bakit nandito ka pa—”
“Shut up! Naawa lang ako sa Daddy mo. And I just want to give him a chance na paulit-ulit niyang hinihingi noon. Legally man na kayo ang pamilya, pero kung ang totoong nangyari noon ang naging basehan; inagaw n’yo lang naman ang buhay na dapat sa amin ng aking Ina. Tapos ang attitude mo pa! One more word, na lalabas sa bibig mo na against the man who acted as my everything, I swear papatulan kita. Akala mo ba atat na atat akong maging bahagi ng pamilya n’yo? Well, If Jannessa didn't part of your so called legal family, hindi ako magiging excited na makita kayo. Daddy James is nothing to me, compared to my Daddy Ninong. Your family is not important to me, pero alam ko naman kasi ang batas. Kung may karapatan ka may karapatan din ako sa Ama mo at sa kung anong meron kayo.” mahabang sabi ko kay Jaicoh na malumanay na tono, pero ang totoo nagwawala na ang kalooban ko.
“Daming sat-sat! Don't show your face to us anymore! Wala naman pala sa'yo ang family namin.” sigaw ni Jaicoh sa akin kaya natawa ako.
Gigil na gigil na ito sa akin halatang nakuha ko ang inis niya.
“Why would I do that? Masaya kayang maging ate kay Jannessa. Ikaw ba na experience mo ang maging close sa kanya? I guess, hindi ang sagot.” tugon na sabi ko sa kanya sabay layo.
Tuwang tuwa ako ng magpapadyak ang bruha kong kapatid. Ayoko ng maging pabigat kay Daddy Ninong sa ganitong sitwasyon. Lalaban na ako.
Sumunod ako sa mga kasama namin. Nagkayaan na ang iba naming kasama na sumakay, pero si Janessa ay naiwan.
“Ang tagal mo Ate Jennie. Sama tayo sa rides.” ani ni Jannessa ng makalapit ako sa kanila.
“Ayaw ata ni Jennie, si Ate Jaicoh mo na lang—”
“No Mommy! I want my Ate Jennie to be with me on that ride.” Putol ni Jennessa sa kanyang Ina na nanlisik agad ang mata sa akin.
“Stop doing that.” Mahina ngunit may diin na sambit ni Dad sa kanyang asawa.
“Bad influence—”
“Enough!”
Na tahimik ang asawa ni Dad habang ako naman ay inakay na ni Jennessa. Sobrang enjoy kasama ang bunso kong kapatid. Dahil sa saya naming dalawa sumama pa ang dalawa kong kapatid habang si Jaicoh ay kasama ng kanyang Ina na nagmama-asim.
I almost forgot to call Daddy Ninong dahil sa saya. Naalala ko lang siya ng sabihin ni Dad na mag overnight kami. Hindi ako pumayag na sumama at ikinasaya iyon ni Jaicoh habang ang iba ay na lungkot.
Habang kausap ko si Daddy Ninong ay nasa malayo akong pwesto. Nagtataka ako sa lalaki dahil parang wala sa kanyang silid. Feeling ko nga ay nasa malapit lang siya. Ibaba ko na sana ang phone ng biglang may humtak sa akin.
“Umuwi ka na! Lumayas ka na.”
Nakilala ko agad kung sino ang may gawa. Nagpumiglas ako kaya naman kumayod sa balat ko ang kuko ni Jaicoh.
“Buti nga sa’yo.” pang asar na sabi niya pa sa akin.
Wala akong balak siyang patulan na lalo't maganda na ang tingin ng iba ko pang mga kapatid sa akin kaya naman lalampasan ko na lang sana si Jaicoh ng buong pwersa niya akong itulak. Batuhan ang pwesto namin kaya expected ko na masasaktan ako pero imbis na matalas at matigas na mga bato ang maramdaman ay mainit at matatag na bisig ang aking nalasap.
“Kapatid mo, let me rephrase. Ate mo tapos gusto mong saktan. Kawawa ka naman poor parenting ang naibibigay sa'yo ng mga magulang mo.” May bagsik sa tinig ni Daddy Ninong ng sabihin iyon kay Jaicoh.
Tama ako, nandito nga talaga siya. Hindi talaga ito mapakali kapag wala ako sa malapit sa kanya.
“Daddyyyyyyy…Mommyyyy!” Sigaw ni Jaicoh dahilan para sumugod ang Ina’t Ama nito na ama ko rin naman.
Nagkaroon ng kumosyon at sagutan sa pagitan nila. Sa huli masama ako pero bahag ang buntot nila laban kay Daddy Ninong.
Agad kaming sumakay sa kotse niya para makalayo sa mga taong kadugo ko naman pero trip akong saktan. Hindi ko gusto ang manatili pa sa lugar at alam ‘yun ni Daddy Ninong. Kung noon iiyak ako agad ngayon hindi na. Kaya gusto kong umalis sa lugar ay baka matulad lang kay Jaicoh ang aking Ama. Baka marealtalk ko lang siya.
Hindi umimik si Daddy Ninong pero napapalingon ako sa kanya tuwing uubo ito. Talagang pinili niyang sundan ako kaysa magpahinga siya.
“Thank you, pero dapat po ay nag-pahinga ka na lang Daddy Ninong.” ani ko sa pagitan ng aming katahimikan.
“I can't.” tipid niyang sagot sa akin.
“But why?” litong tanong ko sa kanya.
“Paano ako magpapahinga? Kung wala sa bahay ang pahinga ko. Baby ikaw ang pahinga at katahimikan ko. Kung nasaan ang katahimikan at pahinga ko susundan ko iyon at hindi ko hahayaan nasaktan ng iba.” seryosong sabi ni Daddy Ninong sa akin.
Ibang iba na ang dulot noon sa aking damdamin. Hindi na tama ang nararamdaman ko. Iba na ito kaysa noon.
“DN!” mahinang ani ko sa lalaki na tila naman nalito bigla at napaisip.
“A-anak kita, hindi ka man galing sa akin. Anak ka sa akin kaya mahal kita tandaan mo ‘yan.” utal na sabi ni Daddy Ninong na muling nagpa-guho ng emosyon at pag-luklok ko sa kasiyahan dulot ng kanyang mga salita.
Hindi na ako umimik sa lalaki na tumahimik na rin naman. Huminto kami sa isang restaurant dito sa manila na lagi naming kinakain. Walang sinabi si Daddy Ninong na bumaba ako kaya nanatili ako sa kotse. Iniwan niya rin naman itong bukas kaya alam ko na ‘di siya magtatagal. 10 minutes lang ay bumalik na ito at may dalang take out food. Umalis na rin kami sa restaurant parking area ng i-secure na ni DN ang pagkain.
25 minutes narating namin ang mansyon. Kusa akong bumaba sa kotse at lumakad papasok. Pagod na pagod ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Nasa hagdan na ako ng magsalita si Daddy Ninong.
“Sabay na tayong kumain ng hapunan baby ko.” ani ng lalaki, na bahagyang pag-angat ng ulo ang naging tugon ko pero nakatalikod ako sa kanya.
Pagdating sa aking silid pasalampak akong umupo sa sahig. Hindi ko alam kung saan ako pagod at disappointed. Kung dahil sa failed bonding namin ng family ni Dad o sa wrong interpretation ko kanina sa kanyang sinabi kaya na hopia mani popcorn ako?
“Ano ba Jennie? Ayusin mo nga ang buhay mo!” Sabunot ko sa aking sariling buhok habang ilang ulit na tinatanong ang aking sarili.