BAGO DUMATING sa kumpanya alam ko na agad kung sino ang pasimuno ng gulo na siyang dapat ko na banggain at pagtuunan ng pansin. Wala akong sini-sino na tao basta gusto akong siraan at pabagsakin. As far as I know wala akong kasalanan sa kanila, liban na lang sa nadiskubre ko ng maaga ang mga kadayaan nilang ginagawa kaya naman tinapos ko na agad. Hindi ako ang tipo ng businessman na hayayaan silang mag exist sa paligid ko. Ang ahas kahit mapaamo mo, hindi ka nakakasiguro na hindi ka n’ya tutukain dahil nature n’ya ‘yun bilang ahas. Gano'n din ang taong mahilig na mandaya at mapanlamang lagi sa kapwa. Pagpasok sa conference room, nakita ko na present ang lahat. Bumati pa sila sa akin ng sabay-sabay na waring akala mo'y maamong mga tupa. Umupo ako agad sa aking pwesto at agad na dumil

