SUNDAY kaya nagmamadali akong bumangon ng mag-alarm ang cellphone ko. Hindi ko na nga nagawang mapansin sina wala na pala si Daddy Ninong sa tabi ko, not until patapos na akong mag ayos ng aking sarili. Sisimba kasi ako, ito ang isa sa magandang aral na nakuha ko kay Nanay Conching, ang kilalanin ang may likha ay may alam ng lahat sa mundong ibabaw. Kahit si Daddy Ninong nagawa naimulat ni Nanay Conching sa ganitong bagay. Usually ay hapon ako sumisimba, pero last week nakausap ko si Fr. Glen at sabi niya mas maganda na sa umaga sumimba para umaga palang salita ng Diyos ang aking tangan. Maraming magtataas ng kilay sa akin dahil sa pagiging pala simba kuno e, nakakaramdam naman ng kakaibang sa taong mali na mahalin. Pero gaya ng sabi ni Fr. Glen lahat ay kayang patawarin at unawain ng

