HAMMER'S POV. “Hammer, ayos ka lang?” tanong ni Nanay Conching ng maghiwalay na ang daan ng sasakyan namin at ng kay Jennie. Sa tanong ng Ginang tila ba may halong pagbibiro iyon. Pero sa akin doble ang impact ng tanong. Ayos nga lang ba ako? Sa buong magdamag ay hindi ako maayos, mahirap na nasa paligid lang si Jennie. “Ayos na ayos Nay.” Sagot ko naman sa Ginang na pinasigla. “Mukha nga. Talagang mahal na mahal mo nga ang asawa mo.” may laman na tugon ng Ginang. Pero sumagot ako sa kanya ng normal. “Sobra po Nay.” tipid na ani ko sa Ginang na tumango at humarap na lang sa bintana. Ako naman hinayaan na lang na maglakbay ang aking diwa sa ganap kagabi. Hindi ko maiwasan na maging masaya dahil paano na kasama ko ang dalawang babae na mahalaga sa buhay ko. Saktong alas otso ng duma

