A month after, nagsimula na ako sa proyekto ko. Nakasara na ang Equinox Hotel dahil nagsisimula na ang pagre-renovate. Pero hindi dahil nakasara ang Equinox Hotel ay wala na ring gagawin ang mga staffs ko na trabaho, lalo na ang mga cleaners ko. I deployed them to Equinox Luxury Mall first. Doon muna sila tutulong para kahit papaano ay may sinasahod pa rin sila habang inaayos ang Equinox Hotel. Naroon din si Anasha. Nakahanap na rin siya ng apartment niya dahil sa sahod na ibinigay ko sa kaniya sa unang buwan niya sa tranaho. May bonus pa ako na ibinigay sa kaniya dahil sa pagbibigay niya ng tulong sa akin sa proyekto ko. I gave her a compensation. Kaya malaki-laki rin ang nakuha niya sa unang buwan niya. At least she already have an apartment to live with. Sa loob ng isang buwan ay hi

