“Please, Larissa? Can’t you just help me with this?” pagmamakaawa ko kay Larissa. Inirapan naman niya ako. “Dinalaw mo lang ako rito para kulitin dahil may kailangan ka? Ano? Kilala mo lang ako kapag may kailangan ka sa akin?” mataray na sagot naman niya. Pero alam ko naman na inaasar niya lang ako. Akala ko ba tomboy ang isang ‘to? Bakit nag-iinarte ngayon? Tsk. Babae pa rin talaga ang isang ‘to. “Come on, Larissa. Parang hindi tayo magkaibigan ng ilang dekada na.” “Raiden, why don’t you just give up and let Radley handle the Equinox Hotel? Ikaw ang nagyabang sa tatay mo na may maipapakita ka sa kaniyang proposal next week. Pero ‘di mo naman pala kaya at nanghihingi ka sa akin ng tulong ngayon. Malay ko ba sa hotel businesses?” Nasapo ko naman ang ulo ko habang nakatitig lang sa sc

