ASHFORD 2: FAMILY BACKGROUND

1337 Words
“Hoy, Raiden! Ano? Balita ko may tinira ka na naman daw kagabi ah?!” sigaw sa akin ni Ryker. Siya ang bunso kong kapatid. Tatlo lang kami na magkakapatid. Ako ang nasa gitna, si Ryker ang bunso, tapos si Radley naman ang panganay namin. Tig-iisang taon lang ang agwat namin sa isa’t-isa. Pwera malamang kay Radley at Ryker na dalawang taon ang agwat sa isa’t-isa. Pero ‘di na kami nagtatawagan pa ng ‘Kuya’. ‘Di naman na kailangan dahil hindi rin naman malayo ang agwat namin na taon sa isa’t-isa. “Oh, bakit? Ang bilis naman ng balita,” sagot ko lang sa kaniya. Kumakain ako ngayon ng ice cream dito sa sofa habang nanonood ng NBA game sa malaking TV screen namin. Tumabi sa akin si Ryker. “Ano? Masarap ba ‘yong babae mo kagabi?” Nagkibit-balikat naman ako. Ang mga mata ko ay nananatiling nakapokus sa TV screen. “Sakto lang. Typical girl. Bakit? Gusto mo ba akong gayahin?” “Stop it, Raiden. ‘Wag mo ngang iniinpluwensyahan si Ryker ng karumihan mo,” suway naman agad ni Radley sa akin. Dahil tinuturuan ko raw ang bunso naming kapatid na maging fúćk boy. “Anong kadumihan? Malinis naman ang mga babae na ginagalaw ko, ‘no! And mind you, it’s my hobby. Ikaw nga ay hobby mo ang manood ng pórń, pero pinakialaman ba kita?” sagot ko agad kay Radley. Agad niya akong tinaasan ng middle finger niya, kaya nagtawanan naman kaming dalawa ni Ryker. “Gago! Ikaw ‘yon. ‘Wag mo akong itulad sa ‘yo. Phone ni Ryker ‘yon at hindi sa akin,” pagdadahilan pa niya. Nahuli ko kasi siya noong nakaraan na nanonood ng gano’n, pero cell phone ni Ryker ang ginamit niya dahil baka raw ma-virus-an ang phone niya. Pero masiyadong malinis ang lalaki na ‘to. Wala pa ngang nagiging girlfriend dahil mas mataas ang expectation sa kaniya ng ama namin dahil siya ang panganay. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat para mapanatili na numero uno ang mga negosyo na ipinamana sa kaniya. “Whatever.” “Parehas lang naman kayo na malibog. ‘Wag niyo na akong idamay,” sabat naman ni Ryker. “Tsk. I-enjoy mo na lang ang huling taon mo sa pag-aaral. Ako nga ay nami-miss ko nang mag-aral ulit. Mas gusto ko na lang na manatili sa university kaysa nagtatrabaho ako under Equinox Hotel,” reklamo ko. Mayroong malaking kumpaniya si Dad, which is the Equinox Land. Nahahati ito sa apat na negosyo. Ang ipinamana ni Dad kay Railey ay ang Equinox Luxury Mall. Ito ay ang pinakamalaking negosyo sa tatlong mga negosyo ni Dad. Malamang ay sa kaniya ‘yon ipinamana ay dahil siya ang panganay. Sa akin naman ay ipinamana ang Equinox Hotel. Ako na ang nagma-manage nito ngayon. Which is very stressing for me. Bago pa lang ako dahil kaka-graduate ko lang noong nakaraan na buwan. Kaya tinatamad pa ako na asikasuhin ang negosyo na ‘yon. Ang ikatlo naman ay ang Equinox University. Kay Dad lang ito mismo. Dito rin kami nag-aral ng mga kapatid ko. Kaya sikat talaga ang Equinox Land dahil sa daming sakop nito. Isa ang pamilya namin sa pinakamayaman na business family sa buong mundo, hindi lang dito sa bansa namin. Ang huli naman ay ang Equinox Air. Ito ay ang sariling airline namin at balak ‘yon ipamana kay Ryker kapag tapos na siya sa pag-aaral. Pero kung ako ang papapiliin sa tatlong kumpaniya, mas okay na sa akin ang Equinox Hotel. ‘Di ko na kailangan pang mag-isip ng kung ano-anong mga bagong produkto o kung ano man. Bukod sa mga bagong promotions lamang. Ang pangit nga lang ay kahit na iisang kumpaniya lang kami na pagmamay-ari ni Dad, kailangan namin na maglaban-laban. Kailangan namin na magpataasan ng sales and performance. Every month ay ie-evaluate kami ni Dad. Sa oras na ‘di maganda ang performance ng ipinamana sa amin na kumpaniya ay kukunin na niya at ipapamana sa iba. Para sa akin ay ayos lang naman kung gano’n ang gawin niya. Ngunit mapapahiya at masisira lang ang pangalan ko sa mga tao na nakakakilala sa amin. Lalo na at ‘di naman basta-basta ang mga tao na kakilala rin ni Dad. “Ayoko na ngang mag-aral, eh. Mas gusto ko na agad na asikasuhin ang negosyo na ipapamana sa akin. Maraming chix sa eroplano,” sagot sa akin ni Ryker. “Gusto mo ba ay palit na lang tayo? Ako na lang ang papasok sa mga klase mo,” suhestiyon ko naman. “Pwede ba ‘yon? Gusto ko sana na um-absent next week, eh. May pupuntahan ako. Pero dapat ay ‘di malaman ni Dad na aabsent ako sa klase.” Sasagot na sana ako pero mabilis na sumabat si Railey sa usapan naming dalawa. “Huwag mo nang subukan pa ang binabalak mo na ‘yan. Para namang ‘di mo kilala si Dad. Alam niya ang lahat ng mga ginagawa natin. Bantay-sarado tayo sa kaniya.” “Parang ikaw lang naman halos ang binabantayan niya, eh. Well… Ako ay minsan binabantayan niya nga. Pero bakit kay Raiden ay wala siyang pakialam?” Napatahimik na ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na walang pakialam sa akin si Dad o dapat ba akong malungkot dahil mas binibigyan niya ng pansin ang dalawa kong mga kapatid kaysa sa akin. Nasaksihan ko kung gaano siya kahigpit noon pa kay Railey. Bilang panganay na anak, nasa kaniya ang lahat ng pressure. Dahil siya ang unang tagapagmana ng negosyo ni Dad. Kaya naman ay kailangang siya ang nangunguna sa klase niya noon o sa kahit ano pa man. Dad wants Railey to be on the top always. Ayaw niya ngang mag-inom si Railey o magkaroon man lang ng girlfriend. Aral-bahay lang si Railey noon. Tapos ngayon ay hindi pa rin niya magawang mag-enjoy sa buhay niya dahil sa kumpaniya na hawak niya. Samantalang kay Ryker naman ay binibigay ni Dad ang lahat ng gusto niya. Dahil siya ang bunsong anak. Hinahayaan niya na gawin ni Ryker halos lahat ng mga gusto niya. ‘Di rin niya masiyadong pine-pressure si Ryker sa trabaho. Parang palagi ngang okay lang kay Dad kahit ano pa ang gawin ni Ryker. Si Ryker lang mismo ang mabait. Pakiramdam ko nga ay kahit maging gago si Ryker ay hindi pa rin siya pagsasabihan ni Dad. Samantalang sa akin ay… limot ko na kung kailan pa ang huli na nagkaroon si Dad ng pakialam sa akin. Nalimutan ko na kung kailan ba niya ako tinanong noon kung kamusta ba ang mga grado ko sa unibersidad, kung masaya ba ako, kung may girlfriend ba ako, o kung ano man. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang gawin ko. Kahit pa lasing ako na umuuwi sa bahay, kahit pa nga yata hindi na ako umuwi ay wala pa rin siyang pakialam. Pero sa gano’n ay malaya ako sa kanila. Kaya ‘di ko alam kung dapat ba na matuwa ako na gano’n ang trato sa akin ni Dad o hindi. Kung dapat ko bang kaiinggitan ang mga kapatid ko na sakal na sakal na sa trato ni Dad o hindi. Ganito talaga siguro kapag gitnang anak. Hindi na pinapakialaman. Wala pa nga siyang pakialam kahit isa na akong fùćk boy. Siguro ay dahil… gano’n din naman si Dad. “Taas na ako. Inaantok ako,” paalam ko na lang sa kanilang dalawa. Nang makataas na ako ay may biglang tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Dad sa phone screen ko. Ito yata ang unang beses sa taon na ‘to na tinawagan ako ni Dad. Mabilis ko naman ‘yon na sinagot dahil natuwa ako. “Yes, Dad?” sagot ko kaagad sa tawag niya. “Come here in Equinox Hotel right now! What do you think you’re doing in my company?! Are you really trying to ruin me?!” Ano ang ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD