"Happy birthday," narinig kong bati ni Seth kay Juris. Masaya ako para sa mga ito. Kahit pa nga sabihing nasasaktan ako para kay Juris. Iyong tipong awa at habag para rito. Kaya pala maraming dalang mga pasalubong si Seth dahil naalala nito ang birthday ng dating kasintahan. "Dadalhin kita sa US para ipagamot," saad pa ni Seth dito. "No, tanggap kong may taning na ang buhay ko, Seth. Let's just spend our time together," nakangiting tugon ni Juris kay Seth. Naisipan kong mag-excuse sa dalawa. Lumabas ako ng naturang rest house at nagpasyang maglakad-lakad sa dalampasigan. Napayakap ako sa sarili. Masaya ako para sa dalawa. Totoong nalulungkot ako sa kalagayan ni Juris. Mahirap pero kailangan nilang tanggapin pareho ang katotohanan. Napangiti ako nang makita sa unahan ang espesyal na so

