"Loneliness can be too heavy sometimes." SISISIHIN ko ba ang hormones ko o ang puso ko? Hindi ko alam kung bakit para akong atat na atat na makita si Arion. Tinatanong ko na nga ang sarili ko kung may kasiguruhan na ba na gusto ko na siya dahil sa nararamdaman ko ngayong wala siyang paramdam. Tatlong araw na ang nakalipas at doon ako tumigil kina Cath. Masaya naman dahil palagi lang kaming nagkukwentuhan. Madalas ding naroon si Aries. Dinalhan nga niya ako ng sangkatutak na groceries para daw healthy iyong kainin ko. Hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Aries. It's not his responsibility to worry about me dahil hindi naman siya ang ama ng anak ko. Palagi niya lang sinasabi na uncle siya ng baby ko so he will do everything for my child. Narito ako ngayon sa Hashtag Bar because

