"Don't enter my life if you can't stay." NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pilit kong iminulat ang mga namaga kong mata dahil sa kakaiyak kagabi. "You're finally awake." Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses na iyon. Aries is standing near the television while blowing his wet hair. Mukhang bagong ligo siya. Nakatapis lamang siya ng tuwalya sa bewang niya. Dahan dahan akong bumangon saka nagkusot ng mata. "Are you hungry? Hindi ka na nakakain kagabi. I woke up last night and you're already asleep." Pagkagaling ko kasi sa dagat kagabi ay dumiretso na ako sa paghiga sa kama at sa tingin ko'y nakatulugan ko na ang pag-iyak. I bursted it all last night dahil sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak ulit. I can be heartless this time. Nakakapagod ring masaktan. "Ma

