"No one stayed when I was at my worst." HINDI ko inasahang malaki ang bahay ni Arion. Sumunod ako sa kanya papasok sa loob. Kararating ko lamang galing sa condo ko dala ang ilang damit ko. Ako lang ang kumuha ng gamit ko. Hindi ako nagpasama kahit kanino dahil kaya ko naman. Isa pa, ayokong bigyan ng pagkakataon si Arion na isipin na okay na kami porke titira kami sa iisang bahay. "I'll show you your room." He calmly said. Tumango lang ako. Gusto kong sanayin ang sarili ko na maging malamig ang pakikitungo sa kanya. Ayokong pakitahan siya ng kahit kaunting katiting na dahilan para maisip n'yang maibabalik pa ang lahat sa dati. I can't feel anything for him but hate and pain. Aminado man akong may nararamdaman na ako sa kaniya pero natakpan na iyon ng sakit na ibinigay niya. Isa pa,

