KABANATA 1

2529 Words
Bagong umaga, bagong simula. Ilang minuto na rin akong nakatingin sa cell phone ko nasa ibabaw ng side table, umaasa pa rin kasi ako na mag-ring iyon. Pero wala. Ni text wala rin. Ang sakit pa rin pala, kahit sanabi ko pa na tanggap ko na. Sinanay niya kasi ako. Nasanay ako na laging tunog ng cell phone ang gumigising sa akin tuwing umaga, at boses ni Romeo ang unang naririnig ko. Pero ngayon, maingay na tilaok ng mga manok at kahol ng mga aso ng aming kapitbahay ang gumising sa akin. Lalo tuloy akong tinatamad at nanghihina. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang parte sa katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pero hindi pwede na huminto ang mundo ko. Nasaktan lang naman ako at hindi na paralisa. Kaya tuloy ang buhay kahit puso'y nasasaktan. Matapos maligo at magbihis, humarap ako sa salamin. Muli na naman akong napangiti ng mapait. Paano ba naman kasi, daig ko pa ang nasuntok sa itim at maga ng eye bags. I covered my dark and puffy eye bags with concealer, para hindi naman ako magmukhang malnourished na panda pag pasok sa trabaho. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako. Pero utak ko, kalat-kalat pa rin. Ang dami kong iniisip. Bukod kay Romeo na hindi ko alam kung nasaan na o ano na ang ginagawa niya, hindi ko pa alam kung may trabaho pa ba akong babalikan. "Magandang umaga, 'Nak!" masayang bungad ni Mama, pagbaba ko. Bitbit niya ang platong may lamang pritong itlog at basong may gatas. Napangiti ako. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon pero nang makita ko ang maaliwalas na mukha ni Mama, kahit paano ay gumaan ang pakiramdamdam ko. "Magandang umaga, Ma." Halik sa pisngi ang kasabay ng sinabi ko, saka umupo sa upuan na kaharap niya. "Kumusta ang pakiramdam mo, Anak?" may bakas pag-aalala na tanong niya. "Masakit pa rin, Ma. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pero pipilitin kong maging okay," matamlay ko namang tugon. At kahit wala akong gana, kumain pa rin ako. Para kahit paano, may lakas ako kahit nanghihina ang puso. "Huwag mong madaliin ang sarili mo, Anak, magiging maayos ka rin. Ang isipin mo, nagmahal ka ng totoo kaya ka nasasaktan ngayon." Tipid na ngiti na lang ang sagot. Buti na lang talaga at may Mama akong mabait at mahal na mahal ako. Dahil kung wala, hindi ko talaga alam kong ano ang gagawin ko. Alas-otso y media ay umalis ako ng bahay. Sinadya ko talaga na umalis ng ganitong oras para diretso na ako sa trabaho pagdating sa shop. Ayoko muna na mag-isip ng kung ano-ano. Gusto kong mag-focus sa trabaho at kalimutan ang nangyari. Pipilitin ko'ng maging okay, kahit hindi. "Magandang umaga, Vianna May," nakangiting bati ni Mang Damian at Gino. Mga guard sila ng jewelry shop, kung saan ako nagtatrabaho. "Magandang umaga po," bati ko sa kanila. Dati nakikipagkwentohan pa ako bago ako papasok sa shop. Pero dahil wala nga ako sa mood, agad ko na lang silang iniwan. "Magandang umaga, girls." Mapait na ngiti ang kasabay ng bati ko sa mga kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na sina Lenny at Myrna. Saksi sila sa nangyaring drama kahapon. Kaya heto at makabutas kaluluwa ang mga tingin nila. "Magandang u—maga’ ang mga mata mo, girl," mapanuksong sabi ni Lenny. May kasama pang pag-iling. 'Yan siya, alam na nga niya na nasasaktan ako, nakuha pa akong tuksuhin. Irap na lang ang tugon ko. Sanay na rin naman ako sa ugali niya. At saka, totoo naman, maga ang mga mata ko. "Talaga ba'ng maganda ang umaga mo, girl?" dagdag tanong pa nito na may kasama ng siko. "Mukha ba akong okay, Lenny?" tanong din ang tugon ko na may kasabay na buntong-hininga. "Nagtanong pa kasi, alam naman na hindi nga siya okay," singit ni Myrna na kanina pa tahimik at pinagmamasdan lang kami. "Paano ba makalimot? Paano ba mawala ang sakit? Paano ba maging masaya ulit?" desperada kong tanong at parang maiiyak na naman. Sabay napapailing sina Lenny at Myna. "Sure ka ba talaga na gusto mong makalimot at maging masaya ulit?" tanong ni Myrna na ang lapad ng ngiti. Tumango ako ng maraming beses. Iyon nga kasi ang gusto ko. Mawala itong mabigat na nakadagan sa dibdib ko. "May alam akong lugar, hindi man agad-agad na mawawala ang sakit na nararamdaman mo, pero sure namang makakalimot ka kahit sandali. Sakto at off natin bukas," dagdag niya pa. Matapos ang maikling kwentuhan. Naging abala na kami sa trabaho. Papalapit na kasi ang June. Syempre maraming gustong maging June bride. Ang saya nga nila habang pumipili ng singsing. Nakaka-inggit nga sila. Dahil gaya nila, nangarap din ako na maging June Bride. Pero malabo nang mangyari 'yon. Wala na nga kami ng magiging groom ko. "Vianna May, ano? Tutunganga ka na lang ba r'yan? Lunch time na," untag sa akin ni Lenny. Tingin lang ang sagot ko sa kanya. Para na naman kasing maiiyak ako. "Akala ko ba, gusto mong makalimot? Pero bakit lagi mo pa rin siyang iniisip?" Palabas na kami ng shop nang muling magsalita si Lenny. "Ayoko naman talaga sana siyang maalala pero hindi ko naman nadidektahan ang utak ko, lalo na itong puso ko." "Tama na nga 'yang usapang puso niyo. Kumain na lang tayo at magpakabusog," putol ni Myrna si usapan namin ni Lenny. Kumain nga kami sa paborito naming fast food. Pero parang hindi man lang nagkalaman ang tiyan ko. Bweset, ganito ba talaga kasakit ang magmahal? Dahil may oras pa naman, nagpunta muna kami sa paborito naming tambayan. Ang Bookstore Cafe, na nasa tapat lang ng jewelry shop. Naging friend na rin kasi namin ang owner do'n. Si Renxo na ka-blind date ko pa dati. Si Lenny pa ang nag-set ng blind date na 'yon. Pero ngayon si Lenny na ang gusto niya. Nahuli ko kasing nakatitig sa kaibigan ko. Ang problema hindi na nito masabi na gusto nga niya ang kaibigan naming makulit. " Girls," nakangiting bati ni Renxo sa amin. Kumaway pa. "Nasaan si Romeo?" Sabay umiling-iling sina Lenny at Myrna. Pinatatahimik nila si Renxo na kaagad namang na-gets ang ibig sabihin nila. "Una na ako sa table, girls," matamlay ko na namang sabi, at hindi na hinintay ang sagot ng mga kaibigan ko. Tahimik na pumwesto ako sa sulok ng cafe, pero paminsan-minsan akong sumusulyap sa second floor ng shop kung saan tumutuloy si Romeo. Maya maya ay sumunod din kaagad si Myrna, at tahimik na umupo sa tabi ko, dala ang iced-coffee. "Girl, hindi pumasok si Sir," biglang sabi ni Myrna. Sumulyap pa sa akin sandali. "Hindi naman ako nagtatanong," pabulong kong sabi. "Sumulyap ka kasi sa taas ng shop, kaya alam kong iniisip mo siya." Umasta akong walang paki’. Akala ko naman kasi focus na siya sa pagbabasa. Lihim lang pala niya akong pinagmamasdan. Wala talaga akong kawala sa mga mapagmasid ko'ng kaibigan. Maya maya ay tiniklop nito ang hawak na libro at bumaling ang tingin sa kinaroroonan ni Lenny at Renxo. Bahagya pa siyang natawa habang nakatingin sa dalawa. "Ano na naman ang tinatawa-tawa mo?" tanong ko, napapalingon na rin ako sa kinaroroonan ng dalawa. "Tingnan mo ’yang dalawa, halata naman na gusto nila ang isa't-isa pero puro pakiramdaman lang." "Nahihiya nga raw kasi na magtapat si Renxo." "Kasi naman, nasa harap na niya ang babaeng gusto, lumingon pa sa iba! 'Yan ang napala!" dugtong ni Myrna. Oo, nga naman. Una niyang nakilala si Lenny. Pero lumingon pa sa akin at nag-request pa ng blind date. Naalala ko tuloy ang unang gabi ng pagkikita namin ni Romeo. Papunta ako no'n sa blind date namin ni Renxo. Hindi sinasadya na nabangga ko siya. Hindi pa ako nag-sorry no'n, kaya no’ng makita ko siya sa shop at malaman ko na siya ang bagong manager namin. Halos malusaw ako sa hiya. "Naalala mo na naman ba?" seryosong tanong ni Myrna. "Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan, kasama siya. Ayaw ko man... hindi ko man gustong maalala siya, hindi ko talaga maiiwasan." Nagsabay pa ang buntong-hininga namin ni Myrna. Nakaka-guilty din, damay ang mga kaibigan ko sa lungkot ko. "Tara na nga. Magtrabaho na nga lang tayo at mag-enjoy mamaya," sabi ko kasabay ang pagtayo. Hinila na lang namin si Lenny na wala na yatang balak magtrabaho at tumunganga na lamang sa harap ni Renxo. Kasalukuyan na akong gumagawa ng inventory, habang ang mga kaibagan ko, nasa VIP room, kasama ang mga VIP costumers. "Good—" bati ko sana sa pumasok pero tumigas ang dila ko. Si Romeo kasi ang dumating. Kaagad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Naiiyak ako. Pero alam kong sandali niya pa akong tinitigan bago pumasok sa opisina. "Girls, kayo na ang maghatid nito sa opisina ni Sir," matamlay ko'ng inabot kay Myrna ang ginawa ko'ng inventory na kaagad naman niyang tinanggap. "Pumasok ba siya?" pabulong na tanong ni Lenny. Tumango lamang ako. Nauna na rin akong lumabas ng shop pagkatapos masara ang mga shelves. "Vianna May!" untag sa akin ni Gino. "Ilang talampakan na ba ang nasisid mo at hirap ka na yatang umahon," umiiling nitong tanong. Nag-abot pa ng bubble gum na hindi ko naman tinanggihan. "Salamat, Gino. Kung hindi ka pa dumating siguradong kanina pa ako nalunod!" tipid akong ngumiti. Sinakyan ko na lang din ang trip niya. Totoo naman kasi na ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko nga napansin ang paglapit niya. Siguro naawa na rin siya sa hitsura ko kaya nilapitan niya ako. Isang buwan din kaya akong hindi kinausap ng maayos nitong si Gino. Nasaktan ko kasi. Siya ang unang nanligaw pero si Romeo ang sinagot ko. Kaya ngayon na karma ako. Iyak ang lola n'yo. Ngumiti siya at mabilis na nginuya ang bubble gum at pinalobo iyon hanggang sa pumutok sa mukha niya. "Ang cute mo!" natatawa kong sabi habang nakatingin sa kaniya na nililinis ang mukha gamit din ang pumutok na bubble gum. "Dati na akong cute, 'di mo lang pansin!" patawa, ngunit sarkastiko niyang sagot. "Pansin ko naman, pero—" "Pero... hindi mo type ang cute!" dugtong niya. Napangiti ako. Akalain ko ba na ang lalaking sinaktan ko noon ay siya pala'ng magpapangiti sa akin ngayon. "Alam ko, mas type mo ang handsome na yummy, kay sa cute na tae! Ay este, tao pala... tao!" "Baliw!" nasabi ko. Hindi ko rin napigil ang tawa. "Baliw... nga ako sa'yo, noon! Pero hindi na ngayon!" hirit niya pa. "Buti naman kung gano'n!" sagot ko. "Oi... saya n'yo ah!" biglang sulpot nina Lenny at Myrna. "Girls, pinapatawa ko lang itong kaibigan n'yo. Gusot kasi ng mukha!" tugon naman ni Gino sa dalawa. "Salamat Gino, nagawa mo'ng plantsahin ang mukha ng kaibigan namin." Nakangiting umakbay sa akin si Lenny. "Sige na, balikan mo na si Mang Damian, at may tigreng nakatingin na gusto ka nang lapain," pabulong na sabi ni Lenny. Sabay nanliit ang mga mata namin ni Gino at akmang lilingon na sa shop. "Huwag n'yo nang lingunin! Kung ayaw ninyong maging dragon ang tigre na 'yon!" Umiling at ngumiti na lamang si Gino. "Sige na nga, lumakad na kayo!" pagtaboy niya sa amin. "Tara na girls at baka tuluyan na tayong sugurin ng tigreng galit," sabi naman ni Myrna. Kumaway pa sa amin si Gino. Agad kaming sumakay sa humintong taxi sa aming harapan. "Saan po kayo mga, Miss?" tanong ng driver na nilingon pa kami at hinintay ang aming sagot. "Manong, sa 'Amazing Bar, po!" "Amazing Bar?!" sabay na bulalas namin ni Lenny, kasabay no'n ang pag-andar ng taxi. "Teka lang, Mryn, talagang doon ang punta natin? Akala ko pa naman isa kang santa! Nanonood ka pala ng mga lalaking naglalakihan ang mga—" "Naglalakihan ang... mga muscle sa katawan ba, girl?" natatawang dugtong ni Lenny. "Huwag ka nga’ng OA d’yan, girl. Manonood lang naman tayo. Hindi ko naman sinabi na mag-take out ka!" Hinampas pa ako ni Myrna sa hita, saka tumawa ng malakas. "Take out ka r'yan," umikot ang mga mata ko. "Parang pagkain lang, p'wedeng e-take out?" Matapos ang matagal-tagal na byahe, dumating na rin kami. "Enjoy, mga miss..." pahabol na sabi ng driver bago pinaandar ang sasakyan. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bar. Agad tumambad sa amin ang ibat-ibang kulay ng mga ilaw at malakas na tugtug kasabay ang malakas na hiyawan ng mga tao. Sobrang aliw sila sa napapanood. Pum'westo kami malapit sa may pole. Hindi kami nakapagsalita nang magsimulang gumiling ang lalaking nakasuot lang ng manipis at maluwag thong. Sabay kaming nagtakip ng mga mata nang sinadya nitong humarap sa amin at gumiling sa aming harapan. Gusto kong sigawan si Myrna. Bakit niya ba naisipan na dito magpunta? Sa nakikita ko kasi, first time niya rin na magpunta sa lugar na ’to. Umawang pa talaga ang bibig at halos hindi na kumurap habang nasa pisngi ang mga palad. Si Lenny naman, nakatakip nga ang mga palad sa mukha, bahagya namang nakasilip. Iginala ko ang paningin sa paligid, hindi ko na talaga kayang panoorin pa ang lalaking gumigiling sa aming harapan. Hinila ko ang dalawa na animo naging tuod at hindi na gumagalaw. Tinungo namin ang bar counter at pabagsak na umupo. Napabuntong-hininga pa pagkatapos. "Uminum na lang tayo kay sa panoorin 'yon!" Turo ko ang lalaki na nasa pole. Nakalabing tumingin sa akin si Myna. "Girl, sabi kasi ng mga pinsan ko, masaya raw kasi ang lugar na 'to, bagay sa mga wasak ang puso na gaya mo. Sabi rin kasi nila, lalaki ang dahilan ng sakit mo sa puso, kaya lalaki rin daw ang gamot," mahabang paliwanag niya. "Ikaw ba, gusto mo'ng maging gamot ang lalaking 'yon?" tanong ko. Umiling siya ng paulit-ulit at tumiim ang bibig. Sumulyap kami kay Lenny na tulala pa rin hanggang ngayon. Syempre first time niya rin siguro makakita ng gumiwang-giwang na malaking bulate na may ulo. Talagang see thru pa ang thong na suot nito at med'yo maluwang, ha! Kaya sumasabay din sa indak ang bulateng may ulo. Pastilan! "Lenny, okay ka lang ba?" tanong ko. Paulit-ulit siyang umiling at tumango. Nalito kung ano ang dapat isagot. "Girls, gusto kong magmura!" Seryoso ang mukha niya, hindi namin alam kong galit ba siya o ano. "Sh*t girls! Ang laking bulate, nakakawasak-kabibe!" Pigil ang sigaw niya, kasabay ang pagyugyog kay Myrna. Sabay na lamang kaming natawa. Masaya pa rin kami kahit pare-pareho kaming nagulantang sa nakita. Nakailang inum na rin kami ng martini hanggang sa mag-decide kaming umuwi. May mga tama na kasi. Pasuray-suray kaming naglakad palabas ng bar. Nasa pagitan namin si Lenny na siyang pinakalasing sa amin. Tuluyan na kaming nakalabas ng bar. Hinihintay na lang namin ang 'book a ride' para safe naman kaming makauwi. Hindi kami maperme sa pagtayo, talagang umiikot na ang paligid. Si Lenny at Myrna, hindi na talaga nakatiis, umupo na sa gilid ng kalsada. Habang ako pinipilit pa na tumayo ng maayos. "Sorry!" bulalas ko nang muntik akong matumba at napasandal sa matigas na dibdib ng lalaki. Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki na ngayon ay hawak na ang mga braso ko. "S-salamat," utal ko'ng sabi. Ngiti lamang ang tugon niya. Kaya ngumiti na rin ako. "Aray, a-ano ba?!" da¡ng ko. May biglang humablot kasi sa braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD