KABANATA 25

2428 Words

Napigil ko ang paghinga nang marinig ang pangalang sinambit ni Dorry. Para akong natuod sa kinauupuan ko, ni ang lumingon hindi ko magawa. Binababa ko pa lalo ang suot na sombrero at yumuko ng todo. Kita ko pa rin ang pagtayo ni Dorry, at masayang binati ang kaibigan. "Upo ka Danica," bakas ang sigla sa boses nito. "Salamat, Dorry. Pasen'sya na, naglambing pa kasi ang asawa ko," bakas din ang tuwa sa boses niya. "Okay lang, siya nga pala kaibigan ko, si Mia." Kita ko ang paglahad ng kamay ni Danica, na agad ko namang tinanggap pero hindi ako nagtaas ng tingin. Natatakot ako na baka siya nga ang Danica na pinsan ni Diego. "Mia, talagang gutom na gutom ka na ba, at hindi na maalis ang tingin mo r'yan sa pagkain?" puna sa akin ni Dorry. Hindi ko pansin, nasa pagkain pala ang tingin ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD