NELSON POV Isang buwan na rin ang lumipas mula no'ng nadukot sina Diego at Mia sa isla. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit, ang hinanakit ko sa sarili dahil wala man lang ako'ng nagawa. Hindi ko man lang sila natulugan. Nang makita ko ang ginawang hand signal ni Diego, kaagad ako'ng umalis para tumawag ng tulong, ngunit pagbalik namin ay wala na sila. Pumalaot na. Hinabol namin sila sa abot ng aming makakaya, pero anong laban ng pump boat sa yate. Kahit sabayan pa namin ng sagwan para mas bumilis pa kami, wala rin. Talagang napaka-hayop ng Romeo na 'yon. Hindi pa siya nakuntento sa ginawang pambububog sa kaibigan ko. Tinapon pa nila sa dagat. Mga walang puso. Kung nakapaghanda lang sana ako. Hindi sila mapapahamak. May nagawa sana ako. Nakatulong sana ako. Natigil ako sa pag

