Dahil sa masinsinang pag-uusap, tila nakatulog na si Caleb sa maliit na sofa, ngunit kitang-kita ni Fina ang hindi komportableng posisyon ng binata. Paminsan-minsan ay napapangiwi ito, animo'y naghahanap ng tamang pwesto upang kahit papaano’y maging maginhawa ang kanyang pagtulog. Palihim na tinanaw ni Fina si Caleb, at habang pinagmamasdan ito, dumating ang isang matinding habag sa kanyang puso. Nang makita niyang nagising ito sa pangalawang pagkakataon upang baguhin ang posisyon, hindi na napigilan ni Fina ang sariling magsalita, “Caleb, bakit hindi ka na lang tumabi rito sa papag?” Napatitig si Caleb sa kanya, tila nag-aalangan. "Sigurado ka ba?" tanong nito, halatang nagtataka sa alok ni Fina. “Oo naman. Isa pa, malamig na rin. Baka magkasakit ka pa sa pagtulog diyan sa sofa,” sagot

