Matapos ang pag-uusap namin sa opisina ni Mr. Gonzales, iaanunsyo ko sa lahat ng empleyado na magkakaro'n ng welcome part sa Linggo para kay Mr. Shawn Dela Vega. "Cleo, nakita mo ba si Hydie?" tanong ko sa kaibigan ko nang lumipas na ang lunch break pero hindi pa rin nakakabalik si Hydie. Ang akala ko ay nagpahangin ang babae pero ilang oras na siyang wala. Lumali ang gatla sa noo ni Cleo nang tumingin siya sa akin. "Huh? Si Hydie? Hindi pa ba siya nakakabalik?" Umiling ako. "Nakita ko kasi siya kanina na lumabas galing sa office mo, kasabay niya pa ngang maglakad palabas si Mr. Dela Vega." "Si Mr. Dela Vega? Ang akala ko ay kanina pa siya nakaalis?" nagtataka na tanong ko dahil sa pagkakaalala ko, nanatili pa ako ng isang oras sa loob ng opisina ni Mr. Gonzales para pag-usapan kung saa

