Muli kong tiningnan ang babae na nasa harap ko. Kanina nang mag-angat ako ng tingin ay nagulat ako nang makita ko siya rito. Hindi ko inaasahan na imbitado rin pala siya pero nakalimutan ko, magkakilala nga pala sila ni Sir Shawn kaya hindi na dapat ako nagulat nang makita ko siyang nakaupo sa tabi ni Sir Shawn. Simple lang ang ayos ng hapag. Mahaba ang lamesa pero ang isang side lang nito ang nagagamit namin. Nakaupo sa pinakadulo si Sir Achilles. Katabi niya ang asawa niya dahil malapad ang lamesa. Sa bandang kanan nila ay nakaupo sina Sir Shawn at Hydie at sa kaliwa naman ay ako. "So, that's all. Manager ka pa rin naman, ang pinagkaiba nga lang, ikaw na ang hahawak sa mga empleyado sa floor niyo. Kaunti lang 'yon kaya sigurado ako na makakaya mo silang disiplinahin, tataasan ko rin n

