********** Sa tabing dagat sa Resort nila Troy
“Gusto kita Samantha”, sambit agad ni Troy, nininerbyos syang medyo excited ba o naaalangan sa kausap, pero kailangan nyang sabihin na ang nararamdaman, ang tagal nya ng gustong sabihin ito, pero katulad ng dati, inaabot ng hiya at takot, baka mawala ang kaibigan nyang matagal ng iniingatan, si Samatha. “ Ano Troy?” biglang laki ng mata ni Samantha, alam nyang malinaw ang kanyang narinig pero parang ang sarap sa pakiramdam ng ganong sinabi ni Troy, “ Gusto mo ako?” sure ka ba? Parang may kunwaring may pag- aalangan na tanong ni Samantha, “ sabi ko, gusto kita, Mahal kita Samantha”, sabay hawak sa kamay ng dalaga, medyo nanginginig pa ang boses ni Troy. “ Ah eh,” di ba friends lang tayu?” medyo pakipot na tanong ng dalaga, pero sa loob nya, mahal na rin yata nya ito, nuon pa, mabait at gwapo pa, lagi silang tinutukso na sila na yatang lihim, pero wala talaga eh, baka eto na ang tamang panahon sa kanila, laban ng isip nya. “ Seryoso ka ba Troy?” ayoko ng birong ganyan ha, medyo paismid, pero kabado na din si Samantha, sana totoo sya, sabi nya sa utak, at puso nya. “ Bukas pag-uwi natin, pwede idaan kita sa inyo., para magpaalam sa Nanay mong dadalaw ako tuwing weekend, para manligaw ba,.” Paliwanag ni Troy, seryoso ako sayo Samantha”. Sabay titig sa mukha ng dalaga. “ Pwede naman siguro,” medyo paiwas na tingin pero lihim na nakangiting si Samantha, “totoo nga sya”, sambit sa sarili. Di sya tumingin sa binata, mahahalatang namumula sya, kc nininerbyos din ang dalaga. “ ay tawag na tayu ni Nanang Baleng”,.. sige punta tayu sandali sa batuhan sa tabi ng dagat, ang ganda dun..” pag aanyaya ni Troy na inalalayan si Samantha.. at masayang naglakad ang dalawa sa tabing dagat.
****** kinaumagahan sa Resort nila Troy
Ang ganda ng sikat ng araw Samantha”,… labas tayu bilisan mo,” aya ni Troy sa dalaga. “ Sige susunod na ako,” medyo pinapakiramdaman ang sarili, parang may kakaiba sa kanya, nahihilo ba sya, di kasi sya masyadong nakatulog kagabi, “ masyado yata akong napuyat sa kakaisip kay Troy,” naku ang gamut ko, sandali, may iinumin lang ako.” At agad kinuha ang botelya ng gamot. Napansin ito ni Troy, “ ano yan? Bat ka umiinom ng gamot” para saan?. “ wala medyo mababa lang ang dugo ko, maintenance lang ito” paliwanag ng dalaga. “ anemic ka” sabay hawak sa palad ng dalaga, maputla nga ito, at nabigla sya sa dalaga, parang may mga pasa na itim sa balikat, sa mga braso, at pati sa hita nito, “ o bat parang puro pasa ka” hala bat ganito? Nay Baleng, halika sandali, “ aba ,mag-ingat ka nak, mag pa check up ka agad, sagot agad ni Aleng Baleng, mukhang nag-aalala na din ito,“ sige po,simpleng sagot ni Samantha, pero alangan sya sa sarili,“ sasamahan kita, sagot agad ni Troy, “ pero…biglang nag aalangan ang sagot nya, alam nya, kailangan ng pera, may ipon syang konti, pero nakalaan sa pampagawa ng bahay nila, tumutulo na ang bubong ng bahay nila, pangako nya yun sa mga magulang nya, bago magpasko. Bigla syang parang nag-iisip, “ ako bahala sa gastos Samantha, ok lang yun, sagot agad ni Troy,“ Oo nga, wag kang mag-alala sa gastusin, may ipon na sobra si Troy” anak, tanggapin mo na ang alok ni Troy, sige pag may extra ka na pwede mo na ding paunti-unting bayaran.” Paliwanag ni aleng Baleng, alam kasi nyang baka hindi talaga pumayag si Samantha. “ Sige po, pero pwede bang wag na nating sabihin muna kila Inay?, ayoko ko silang mag-alala eh. Baka mag-isip sila, kawawa naman…paliwanang ni Samantha “ Sige magluluto ako ng maraming gulay,makakatulong din, sige Troy magpahinga muna kayu, kahit dun sa tabing dagat, para makalanghap ng sariwang hangin si Samantha, alalayan mo na…..” at masaya ang dalawang nag-uusap sa tabing-dagat.
****** isang araw sa hospital
Kausap ni Troy ang doctor at parang maraming bilin pati reseta na dapat inumin,..medyo malungkot ang mukha ni Troy, “ ano sabi ng doctor?” tanong ni Samantha, medyo nag aalala sya, kilala nya si Troy, alam nyang seryoso ang usapan kanina. Babalik pa daw tayu at kailangang mas malalim na laboratory test, pero ok lang, baka maagapan pa daw sa gamot, at…..” “ at ano pa daw? Tanong agad ni Samantha sa binata, kinakabahan sya sa susunod na sasabihin, “ baka kailanganin mo ng Salinan ng dugo.” “ nabigla si Samantha sa sinabi ni Troy, ano yun, acute na anemia na ba ang sakit ko”? tanong nya sa sarili. Di nya napigilang maluha sa sarili at napasandal nalang sya kay Troy, dun sya makakahugot ng lakas, di nya pwedeng sabihin sa kanila, pero pano na ang mga kapatid nya? Sino mag-papa aral sa mga iyon,? Ang nanay nya, kaya nya bang wala sya? Lahat yun umandar agad sa isip nya. Kaya ba minsan ay may lumalabas ng dugo sa ilong nya.. pero lahat yun ay binalewala nya, umaasang magiging ok pa din ang lahat… May awa ang Diyos…
******* sa bahay nila Troy isang araw
“Troy, anak”, pag-aalala ni Aleng Baleng,… baka acute na yan, matagal na pala yang iniinda mo, bat di ka nagsasabi sa Papa mo, o sakin…” parang may hinanakit na sabi nya sa binata… kailangang malaman ito ng papa mo,” “ako ang magsasabi kong natatakot o nahihiya ka”… umiiyak ng si Aleng Baleng… ang dami mo pang pangarap, Troy… bata ka pa” di ba may pangarap pa kayu ni Samantha sabi mo?.... pati si Mang Leo ay naiiyak na din na tikom ang mga palad na nakikinig sa dalawa, “ sana ako nalang anak, matanda nako, ok lang sakin, ikaw di mo pa nasubukan ang nagka trabaho, mag enjoy sa buhay, puro aral-bahay lang, kulang pa sa kalinga ng mga magulang, bakit ikaw pa anak”…. Humahagulgul na Mang Leo, parang tunay na anak na ang turing nya dito simula pagkabata.”.Diyos ko, dugtungan mo pa sana ang buhay nya…usal ni MangLeo, at lahat silang tatlo ay sabay sabay nang nag-iyakan.
******** sa bahay nila Samantha
Nanghihina ako nay…at may dugo ng lumabas sa kanyang mga ilong…. Nay… sambit nya….” “Samantha sabi ko na nga ba eh… hindi talaga maganda ang pakiramdam mo, dalhin na kita sa doctor?napasigaw ng si Aling Perla “Kanor halika nga, habang nakahiga ang ama sa kwarto,” nabigla din ang ama, bakit ba nagkaganyan ang anak mo Perla? At lahat ay nataranta na sa sitwasyon… nagtawag ng kapitbahay…
****** sa hospital
Kausap ni Mang Kanor at ALing Perla ang mga doctor, umiiyak na si Aling Perla, lalong kinakabahan si Samantha parang sa usapan nila ay malala na sya, pati reaksyon ng mga magulang nya…. Parang acute naba sya? Si Troy asan kaya?
******** sa kabilang kwarto
Doc, please help my son…. Please do anything….. I’ll pay everything kahit pinaka mahal na hospital kung kailangan… hawak na ni Mr. Guzman ang ulo,..pinagpapawisan na sya, wala na sa kondisyon... “ wag nyo na akong ilipat pa…. okay lang ako dito pa.…” sambit ni Troy. “ tumawag si Samantha, nasa kabila lang sya… naiiyak na paliwanag ni Aling Baleng… ano ba itong nangyayari sa inyo…ano ba naitandhana sa inyong dalawa anak?…” hawak-hawak ang mga kamay ni Troy. “ sya ang alalayan mo nay, mas kailangan ka nya…. Yung passbook ko hawak mo ha…. May pirmadong withdrawal slips dun, pag kailangan ni Samantha… ikaw na ang bahala, kailangan nya yan… Nay”…..bilin ni Troy. Masakit ang ulo nya, naka bandage na ito at marami ng mga aparatung naka lagay sa katawan nya…..
Lahat ay bumalik ang alaala ni Mr. Guzman, di nya akalaing aabot sa ganun ang anak, di nya nakakausap ang binata kahit tawag o silip man lang sa gabi….lahat yata, wala syang maalalang memory nilang kahit minsang ipinasyal ang anak…. Puro office,…. Trabaho, buti pa sa HR department nila, pag may meeting sa mga problema sa staff nandun sya.. ang anak nya, ni isang program yata , wala syang na attendahan kahit isa. May nairegalo ba sya sa bata… na sya mismo ang bumili, wala din yata, puro si Aleng Baleng… lahat nya ibinilin,,,, “ikaw na bahala sa kanya” ,basta nag –aabot ng kailangan kung magkano, yun ang naaalala nya….. bigla syang naiyak sa sarili…sana may chance pa… sana hindi pa huli ang lahat……
******** sa tabing dagat sa resort nila Troy
“O pano, magpahinga muna kayung dalawa dito ha… mag aayos lang ako ng almusal nyo..” bilin ni Aling Baleng kila Troy at Samantha..”Salamat po”… anas ni Troy, humpag na ang mukha at katawan, maputla pati bibig, si Samantha naman ay nakapikit parang nilalanghap lang ang sariwang hangin…. Magkawak kamay ang dalawa, masaya silang nag-uusap na parang walang dinaramdam sa sarili, mas ginusto nilang pag-usapan ang mga nakaraan, ang mga kalukuhan nilang dalawa simula nung mga bata palang sila…
At naalala ni Samantha ang mga bilin sa Inay.. “Nay nasa cabinet ko ang passbook dun.. may konting ipon dun. Para sa inyo ng mga kapatid ko… kaya na sigurong hanggang college nila..pati sa insurance ko po pag naclaim nay… Malaki din po yun… pati sa scholarship ko,… may makukuha din po kayu” umiiyak hinihingal na syang magsalita ng matagal… pero nilalakasan nya ang loob,niyakap nya ang mga kapatid…. Pero nagsabi lang na magbabakasyon lang sya.. kailangan lang ng pahinga…
*****ilang sandali pa
Malakas ang tawanan ng dalawa… at paminsan-minsan parang nag aappearan pa ng mga kamay at nagkukurutan ang dalawa…. Magka akbay na sila…. Natutuwa si Aling Baleng, pero kasabay niyon ay mga luhang di nya maawat dahil sa ganung sitwasyon pa yata mag tatapos ang pagmamahalan ng dalawa.
Maya-maya ay inaya ni Troy na maglakad si Samantha… “ kaya pa nating maglakad, eh mahina na tayung pareho… pareho na tayung mukhang pasyente”?sambit ni Samantha sa kasintahan, masayang mukha habang inaabot din ang kamay ng binata… “Oo naman….maglalakad tayu hanggang dun sa batuhan… dun tayu uupo, total medyo palubog na ang araw Samantha…. Masarap ang hangin dun” pagyayabang ni Troy….. nag – alalayan ang dalawa… dahan dahang naglakad… tila ginto ang bawat sandali sa kanila… walang masasayang….lahat ay ok lang….sumandal si Samantha kay Troy…. At magkawahak kamay sila. Isinandal ni Troy ang ulo sa malaking bato sa kanilang likuran… sumasakit uli ang ulo nya…. Ipinikit ang mga mata… “ Mamaya Samantha.. Sabay Tayung Maglalakbay pabalik ng Manila, hihingin ko na ang kamay mo kila Inay Perla, pwede naman tayung magpakasal kahit simple lang di ba?” tanong ni Troy, Marahan pero malaman ang sambit ni Troy sa kasintahan… Oo naman, sabay tayu… kahit saan… sa laban sa buhay Troy…. Sabay tayung maglalakbay…. Mahigpit ang mga kamay nila, at may inilabas na si Troy sa bulsa ng pantalon nya… isang kahon na maliit na kulay pula,…. At binuksan ito…. “Baka pwede ko ng ibigay ito sayo ngayon…?” sabay labas ng isang singsing na may isang simpleng batong nakapatong sa ibabaw nito….“ Excited nako eh…. Paliwanag ni Samantha…. Will You Mary Me?”sabay titig ng seryoso at sambit nito habang isinusuot ang singsing sa kasintahan…. Naluha si Samantha at walang abog- abog na sumagot na “Yes… Yes …I Will Mary You”sambit ni Samantha….. Haplos haplos ni Troy ang buhok ng kasintahan, sabay halik sa maputlang bibig nito.. sa wakas.. nahalikan ko din ang taong minahal ko…’ sa isip niya, parang gusto nya ng magpahinga …. Masakit na ang ulo nya.. ipinikit ang mga mata…. Dahan-dahan… Si Samantha nama’y masaya…. Dahil sa buong buhay nya dun lang sya nakaranas ng ganito ang halikan ng taong mahal nya, nanghihina na din… parang bawat hininga nya ay malalim na, mas masarap pa ding ipikit ang mga mata, sabay ng paglubog ng araw, sa masarap na ihip ng hangin na dumadapo sa kanyang mga balat … ramdam nya… mahina na sya….ipinikit nya ang kanyang mga mata na marahan….