"Pwede ka bang yayain na kumain sa labas?" bulong ni Adrian kay Hiyasmen. "Nang ganitong oras? Anong oras na mag a alas dyes na kaya ng Gabi," tugon ni Hiyasmen. "Sige na... Gusto ko, mag suot ka ng damit na maganda, 'yong sexy. Gusto ko rin na ayusin mo rin 'yong buhok mo, lagay ka kunting make up ganun. Gusto ko 'yong katulad ka noong una nating date sa labas? Tanda mo ba 'yon? Yong bago ka umalis at nagbakasyon sa America? Please..." Paki usap ni Adrian. Hindi alam ni Hiyasmen kung anong trip ng kanyang asawa at may hiling itong paganito. Natatandaan niya iyong mga sinasabi nito, ito iyong date na hiniling niya sa kanyang magulang kapalit ang pagbabakasyon niya sa America. "Are you sure? Paano ako se-sexy sa paningin mo eh halata na itong tiyan ko. Ikaw ha, nakakapanibago ang mg

