"Daddy... Matagal pa ba si mommy uuwi?" tanong ni Adriana Angel kay Adrian. "I don't know baby why?" tanong din ni Adrian sa kanyang anak. "Wala po, pwede po bang basahan n'yo ako ng mga stories? Please dad," nagpapa cute na saad ni Adriana Angel. "Nasaan ang mga story books mo?" tanong ni Adrian. "Doon po, nasa bag ni mommy sa kwarto." Agad naman humiga si Adriana Angel sa sofa at nakahanda ng makinig ng kahit anong kwento. Agad naman tinungo ni Adrian ang kanilang kwarto at tingnan ang mga story books na tinutukoy ni Adriana Angel sa kanya. "Ano ba kasing story books ang tinutukoy ni Adriana, wala naman akong makita dito. At teka, baka narito sa kanyang drawer," bulong ni Adrian at agad pinagbubuklat ang ilang papel na naroroon sa drawer. Hanggang isang pamilyar na brown env

