"Good morning po sir, kumusta po? Ano pong balita?" tanong ni Adrian sa mga pulis nang hinarap niya ang mga ito. "Mr. Monte, uulitin ko po, wala po ba talaga kayong natatandaan na kahit sinong tao na nagawan ng mali. Kasi, unang una hindi lang basta basta ang taong nananakot sa inyo ngayon. Tingnan mo ito," Pinakita ng pulis ang mga larawan ng kuha sa CCTV footage ng lalaking nagdala ng package. Unang inalam ng mga pulis ang taong nagdala ng package, dahil tanging ito lang ang makakapag bigay at makakapag turo kung sino ang nagpapabigay kay Hiyasmen. Pero, bigo sila dahil kahit ito mismo hindi nila matukoy kung sino. "Alam na alam ng suspect kung nasasaan ang CCTV footage ng buong subdivision. Tingnan mo ito, hindi makuha kuha ang mukha ng lalaki dahil laging nakatago ang mukha niya

