"Bakit kaya ganun bro,? Kung kailan masaya na ako, kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon saka naman nagkaroon ng problema. Kung kailan ok na ang lahat doon papasok ang malaking pagsubok," saad ni Adrian. "Wala naman tayong karapatan na kwestunin ang Diyos eh, kung bakit pinaparanas sa atin ang ganitong pinagdadaan. Laging may dahilan siya kung bakit tayo nakakaranas ng ganitong pagsubok. At alam ko, na hindi niya pinapahintulutan na ibibigay sa atin ang pagsubok na ito kung hindi natin kayang lutusin. Siya ang may akda ng lahat, siya ang nag umpisang gumawa kaya alam din niya kung paano ito tatapusin," tugon ni Ejay. "Ang talinghaga naman nun bro, hehe pero thank you. Sa loob ng ilang taon na hindi kita nakasama, maging sa pagbibinata mo nga hindi ko nasaksihan kaya ngayon na

