"Oh.. Anong nangyari? Bakit parang umiyak ka Hiyasmen, may problema ba?" tanong ni Adrian ng makita siya sa may puno ng mangga. "Wala naman, may dumi lang na pumasok sa mata ko ayon nagluluha kaya parang umiyak ako," pag sisinungaling ni Hiyasmen. "Hmm... Sigurado ka ba? Baka may umaway sa iyo sabihin mo lang sa akin at reresbakan ko 'yon," saad ni Adrian. "Ewan ko sa iyo, tumigil ka nga. Gusto ko ng kamoteng baging Adrian, pwede mo ba akong ipagluto please..." Paglalambing ni Hiyasmen. "Ok, tara sabihin natin kay inay." Hinawakan ni Adrian sa kamay si Hiyasmen at dinala sa kanilang kusina. Kinabukasan nagyaya ang mga kapatid ni Adrian na sumama sila sa bukid kung saan nagtatanim ng kung ano-ano ang kanilang magulang. "Kuya.. Tingnan mo. Ito iyong tinamin mong niyog oh, ang laki

