"Ikaw, madaya ka. Akala mo hindi ko napapansin ha," saad ni Selena kay Hiyasmen. "Bakit na naman?" tanong ni Hiyasmen. "Ikaw, laging ako ng ako ang inaalala mo. Samantalang ikaw puro problema ang dinadala mo, tapos ngayon may inililihim ka pa sa akin," saad ni Selena. "Anong inililihim ko? Ewan ko sa iyo," tugon ni Hiyasmen. "Naku, kilala kita Hiyasmen, kaya huwag ako." Sumeryuso ang mukha ni Selena. Si Hiyasmen naman ay napapatawa na lang sa kaibigan dahil hindi niya alam kung anong pinupunto nito. "Kumusta ang results ng urine at blood mo?" seryusong tanong ni Selena. Doon napatitig si Hiyasmen kay Selena na hindi niya alam paano nito nalaman ang tungkol sa kanyang inililihim. "Paano mo nalaman?" tanong ni Hiyasmen. "Kay doctor po, nakalimutan mo na yata na cousin ko ang

