EPISODE 27

1604 Words

EPISODE 27 SARAH’S POINT OF VIEW. “Masayang-masaya ako na nakikitang nagmamahalan talaga kayo ni Matthias, anak. Hindi ako nagkamali na pagbigyan ka sa gusto mo na makasal sa kanya.” Pilit akong ngumiti kay Mommy at tumango. Nakita ko na sumang-ayon din si Mommy Isabelle na nasa kanyang tabi. Napatingin siya sa akin at ngumiti. “Bagay na bagay kayo ni Matthias, Hija. Unang kita ko pa lang sayo noon ay nararamdaman ko nang magiging anak kita,” nakangiting sabi ni Mommy Isabelle at nag apir silang dalawa ni Mommy na para bang tuwang-tuwa. Namula ako sa aking mukha at bahagyang kinilig sa sinabi ni Mommy Isabelle sa akin. Isang buwan na ang nakalipas nang nakauwi kami galing Pilipinas sa aming honeymoon vacation ni Matthias. Naging maganda ang bakasyon namin sa Italy at masasabi ko tala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD