EPISODE 63 WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK SARAH’S POINT OF VIEW. “M-Matthias, stop kissing me. Makikita nila tayo rito,” nanghihina kong sabi at bahagya ko rin na itinulak palayo si Matthias sa akin. Bumaba ang kanyang halik papunta sa aking leeg at bahagya siyang tumigil at tumingin siya sa akin. “Bakit, sino ba ang makakakita sa atin? Hmm,” he whispered. Napalunok ako sa aking laway at muling nagsalita. “M-Makikita tayo nila Ryker, Matthias. Tigilan mo na ‘yan!” “Hayaan mo siya na makita tayo na ganito. Hayaan mo siya na makita niyang hinahalikan kita nang ganito… para malaman niya na walang ibang nagmamay-ari sayo kundi ako lang,” he said possessively. Napakurap ako sa aking mga mata ng sabihin niya iyon. Napatingin ako kay Matthias gamit ang mapupungay kong mga mata.

