EPISODE 67 SARAH’S POINT OF VIEW. Bago namin ma-announce ang tungkol sa kasal namin ulit ni Matthias, kailangan muna namin itong sabihin sa aking mga magulang. Nire-respeto ni Mom at Dad ang mga desisyon ko sa buhay at suportado nila ako palagi, pero alam ko rin na simula ng maghiwalay kami ni Matthias ay pumangit na rin ang relasyon ng aking mga magulang sa mga Coleman—lalo na kay Matthias. Kaya ngayon ay pupunta kami doon sa bahay ng aking mga magulang upang humingi siya ng basbas sa mga ito. Ako ang kinakabahan para kay Matthias pero habang pinagmamasdan ko siya ngayon ay chill lang siya at hindi siya kinakabahan. Hindi na muna namin sinama si Marcus at nandoon siya ngayon kay Mommy Isabelle at Tito Luke. Hindi pa nila alam na nagkabalikan kami ni Matthias pero kanina nang paalis kam

