EPISODE 6

2355 Words
EPISODE 6 SARAH’S POINT OF VIEW. “Ma’am, bawal po kayo rito sa construction site—delikado po. Hindi po pwede ang bata dito.” Nang matapos ang classes namin ni Adele ay agad akong pumunta rito sa pinapagawang building ni Daddy para sa new business namin kung saan si Matthias ang head engineer. Gusto ko siyang makita at syempre—gusto ko rin makita ang location ng new business namin. “Kuya, nagpaalam na po ako sa Daddy ko kung pwede ba akong pumunta dito and he said yes—hindi na rin ako bata!” Nakakainis! Ayan na naman sila sa bata, hindi na nga ako bata! “Nako! Ma’am, hindi po talaga pwede eh. Bawal talaga kayong pumasok sa loob dahil baka mabagsakan kayo ng mga matalim na bagay. Kung sino man po ang daddy ninyo, sabihin niyo na lang sa kanya na hindi talaga pwedeng pumasok sa loob,” sabi ng lalaki na humarang sa akin para makapasok sa site. Hindi ko mapigilan na mainis dahil ayos na ayos ako ngayon ay may dala rin akong pagkain para kay Matt. “Kuya, hindi niyo ba ako kilala? I’m Sarah Del Junco! Anak ako ng amo mo at ng may-ari ng building na ito!” inis kong sabi. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang sabihin ko iyon sa kanya. “M-Ma’am! Sorry po—sorry talaga, Ma’am! Hindi ko po kasi alam na anak pala kayo ni Sir Del Junco. Sige po, Ma’am, pwede po kayong pumasok sa loob pero sasamahan ko po kayo kung saan kayo pupunta para hindi kayo madisgrasya at kailangan niyo rin na magsuot ng hard hat para na rin sa proteksyon,” wika ng lalaki. Tahimik akong tumango at tuluyan na nga akong pinapasok nito sa loob. Buti naman! Hindi ako makakapayag na hindi ako papasukin sa loob dahil isusumbong ko talaga sila kay Daddy. “Kuya, nandito ba si Matthias Archer Coleman?” tanong ko sa lalaking nagpapasok sa akin sa loob at kasalukuyan niya akong sinusuotan ng hard hat para raw sa safety ko habang nandito ako sa loob ng construction site. “Si Engineer po? Yes, Ma’am. Kanina po ay nagmo-monitor si Sir sa mga ginagawa ng mga trabahador, pero ngayon ay baka nasa loob siya ng kanyang opisina habang tinatrabaho ang mga kakailanganin pa para sa building,” sagot nito sa aking tanong. Napatango naman ako at hinigpitan ang paghawak sa aking dala na pagkain. Isa itong cheesecake na binili ko galing sa aking favorite na pastry shop. Ayon pa kay Lucianna ay ito raw ang favorite na cake ni Matthias kaya ito ang binili ko para sa kanya. “Pwede niyo po ba akong dalhin sa opisina ni Engineer Matt, Kuya? I want to see him kasi, may ibibigay rin ako sa kanya,” nakangiti kong sabi at pinakita sa kanya ang box na dala ko kung saan nasa loob ang binili kong cheesecake. Ngumiti ang lalaki at tinignan ang aking dinala. “Girlfriend po ba kayo ni Engineer, Ma’am? Pasensya na talaga kanina kung hindi kaagad kita pinapasok dito sa loob, iyon kasi ang utos ng nasa itaas namin.” Bahagya akong pinamulahan ng mukha sa naging tanong ni Kuya sa akin. Mukha ba akong girlfriend ni Matt? OMG! Kinikilig ako. “A-Ah… hindi po ako girlfriend ni Kuya Matt, Kuya. Close lang po ang parents namin at business partners kaya kilala ko si Matthias,” sagot ko rito. Gustuhin ko mna na mag assume muna at sabihin dito kay Kuya na nasa aking harapan na boyfriend ko si Matthias ay hindi pwede… baka makaabot sa kanya ang sinabi ko at mapahiya pa ako. “Ah ganun po ba. Akala ko kasi boyfriend niyo si Engineer, Ma’am, bagay kasi kayong dalawa!” nakangiti nitong sabi. Nginitian ko na lang si Kuya at hindi na ulit nagsalita. Masyado niya akong pinapatuwa ngayon at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na aminin na may gusto ako sa amo niya. Sinamahan na ako ni Kuya papunta sa office ni Matthias kung saan siya namamalagi ngayon. Ingat na ingat ako sa aking nilalakaran dahil maraming mga matatalim na bagay sa paligid at mag semento. Hindi ko rin mapigilan na mailang lalo na’t malagkit ang mga titig sa akin ng ibang mga trabahador. “Hoy! Magsitigil kayo diyan sa ginagawa ninyo! Anak ito ni Sir Del Junco at kung ayaw ninyong maalis sa trabaho, ialis ninyo ang tingin sa kanya!” sigaw nitong Kuya na tumutulong sa akin ngayon. Atomatikong nagsibalikan sa kanilang mga trabaho ang mga lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. “Kuya, marami pong salamat.” Hindi ko na napigilan na magpasalamat sa kanyang ginawa dahil naiilang talaga ako sa mga tingin nila kanina. “Walang anuman po, Ma’am. Nakikita ko rin kasi na hindi kayo komportable at hindi rin maganda ang pagtingin nila sa inyo. Dapat malaman nila na amo ka namin kaya dapat ka naming respetuhin,” wika nito. “Maraming salamat po,” muli kong sabi. Huminto na kami sa aming paglalakad at nasa harapan na kami ng isang puting tent na para na ring isang maliit na bahay. May nakalagay sa taas ng pintuan na Office of Engineer Coleman. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil super proud ako sa kanya dahil isa siya sa mga kilala kong magaling na engineer sa Pilipinas—super talented na Engineer. “Ma’am, maiwan ko na po kayo rito. Kayo na lang po ang kumatok sa pinto ng office ni Engineer. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa trabaho ko dahil tapos na ang aking breaktime,” wika ni Kuya na tumulong sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “Sige po kuya, maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa akin!” Nagpaalam na ito at umalis. Nang mag-isa na lang ako dito sa harapan ng opisina ni Matt, hindi ko mapigilan na kabahan. Sh*t. Ano ang aking sasabihin? Sigurado ako na magtataka si Matthias kapag nakita niya ako rito sa harapan ng kanyang opisina— “Sarah?” F*Ck! Bumukas ang pinto ng opisina ni Matthias at nakita ko siyang lumabas at natigilan siya nang makita niya ako sa kanyang harapan. Kasasabi ko lang eh… bakit naman agad-agad? Hindi pa ako handa! “K-Kuya Matt!” Nakasalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Ang lakas na ng kabog ng aking puso ngayon dahil pakiramdam ko ay pagagalitan niya ako ngayon, o hindi naman ay pagsasabihan kagaya ng ginawa niya noong na late akong makauwi sa aming bahay. “Sarah? What the hell are you doing here?” seryoso niyang tanong sa akin. Napalunok ako sa aking laway sa sobrang kaba at hindi ko alam ang aking sasabihin—na blanko ang utak ko! “K-Kuya Matt…” “Pumasok ka sa loob ng opisina ko. Hindi ka pwedeng gumala rito dahil delikado!” Bahagya akong nagulat nang hawakan niya ako sa aking braso at hinila niya ako papasok sa kanyang opisina. Para akong kinuryente sa hawak niya sa akin at ang lambot ng kanyang kamay! Nang makapasok na kami sa loob at maisara na niya ang pinto ay agad niya rin na inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso kaya nalungkot ako. “Sarah, anong ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong. Nag-angat ako ng tingin kay Matthias at nakita ko siya na seryosong nakatingin sa akin ngayon at nakapamewang din siya. Para siyang isang ama na pinapagalitan ngayon ang kanyang anak at ako iyon—pero hindi ako makakapayag na ganun ang mangyari sa amin dahil si Matthias ang magiging ama ng mga anak ko. “N-Nasabi kasi ni Dad sa akin na sinimulan na ang construction ng building para sa new business ng family namin. Nabanggit din ni Dad na ikaw ang head engineer ng project na ito at dahil medyo malapit lang ang site sa university namin ay pumunta na ako dito upang makadalaw,” sagot ko sa kanyang tanong at nginitian ko si Matthias. Hindi siya ngumiti pabalik sa akin, para bang hindi siya naniniwala sa aking sinabi. Tinaasan niya ako ng kilay. “Don’t fool me, Sarah. Your university is way far from the site.” Oh, gosh! Oo nga pala, alam ni Matt kung saan ako nag-aaral dahil schoolmate kami ni Lucianna. “K-Kuya—” “Why are you here, Sarah? Hmm. Can you honestly answer my question?” seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin. Humakbang palapit sa akin si Matt at tumigil lang siya nang nasa harapan ko na siya. Naramdaman ko na ang panlalamig ng aking buong katawan at pamumutla ng aking mukha. Nakikita niya kaya ang ekspresyon sa pagmumukha ko ngayon? Nakakahiya! Bakit kasi bigla-bigla na lang akong pumunta dito nang hindi inaalam ang mga posibleng mangyari at mga posibleng itatanong sa akin ni Matthias. “You’re not here just visit the site, Sarah. You are here for a specific person. Can I know who this person is?” tanong ni Matthias at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya hindi na ako makahinga ng maayos at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakatitig lang sa akin si Matthias at bahagyang nakaangat ang labi niya na para bang natutuwa pa siya sa ginagawa niya sa akin ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang hawak ko pa rin na box at matapang ko na sinagot ang tanong niya sa akin. “I-I’m here because I want to see you,” sagot ko sa kanyang tanong. “Bakit gusto mo akong makita?” muli niyang tanong. Bakit may follow up question?! Anong ginagawa niya ngayon sa akin? Alam na niya ba ang totoo? May alam ba siya na may crush ako sa kanya? Sinabi kaya ni Lucianna sa kuya niya na may gusto ako sa kanya? Sh*t! Ang dami kong tanong at sumasakit na ang ulo ko. Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob para masagot ko ang follow up question ni Matthias sa akin. Wala nang atrasan ito, ito na ang pagkakataon para aminin ko sa kanya ang totoo—para malaman niya ang totoo kong nararamdaman. “You want to know why I want to see you?” “Yes.” “I’m here, and you are the reason why I am here because I like you, Matthias.” Nanlaki ang kanyang mga mata at nawala ang ngisi sa kanyang mukha at napalitan ito ng ekspresyon na pagkagulat. Bahagya siyang umatras at umiling siya. Napakagat na ako sa aking labi at hinintay ko ang kanyang sasabihin… handa na akong masaktan sa sasabihin niya ngayon para sa akin. Tapos na, inamin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman at wala nang atrasan ito. “Matthias—” “KUYA Matthias, Sarah. I’m older than you, and I will not allow you to call me by my name,” malamig niyang sabi habang nakatingin sa akin. Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi. Bahagyang napaawang ang labi ko at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, o isasagot. Muling humakbang palapit sa akin si Matt at hinawakan niya ang magkabila kong balikat at ipinantay niya ang kanyang mukha sa akin at tignignan niya ako sa aking mga mata. “Stop loving me,” sabi niya. Napakurap ako sa aking mga mata at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal. “B-Bakit?” mahina kong tanong. “You’re still a kid, Sarah.” Napailing ako at inalis ko ang pagkakahawak ni Matthias sa aking balikat at tinignan ko siya ng masama. “I’m not a kid anymore, Matthias Archer! Legal na ako at handang-handa na akong magpakasal at humanap ng pakakasalan ko!” Masama siyang napatingin sa akin. “Yes, sabihin na natin na nasa legal na edad ka na ngayon, Sarah, pero masasabi mo na ba na mature ka na talaga at marami ka nang alam sa mga bagay-bagay? Hindi diba? Marami ka pang malalaman at sa edad mo na iyan, ang dapat mong gawin ay mag-aral para makapagtapos ka at makahanap ng trabaho.” Tuluyan na akong naiyak sa sinabi ni Matthias sa akin. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking mga mata at matapang na sinagot ang kanyang sinabi. “K-Kaya ko… kaya ko na ang sarili ko! Mature na akong mag-isip! Bakit mo pa rin ba ako itinuturing na bata, ah?! Bakit hindi mo na lang sabihin na ayaw mo lang talaga sa akin at may girlfriend ka na, hindi iyong gagawin mo pang rason ang edad ko para lang hindi ka mahalin!” Wala akong ibang nakitang emosyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin, wala siyang pakialam kahit umiiyak na ako ngayon dahil nasasaktan niya ang damdamin ko. He’s heartless. “Yes, isa sa rason kung bakit sinabi ko na tigilan mo na ang pagkagusto sa akin ay sa kadahilanan na may girlfriend na ako, Sarah. I’m sorry pero hindi kita kayang patulan—hindi lang sa edad mo at sa girlfriend ko, kundi ikaw ang nag-iisang anak ni Tito at ayoko na magalit siya sa akin. Mahal ko rin ang girlfriend ko at hindi ko siya iiwan—hindi ko siya ipagpapalit.” Tuluyan na akong napa hagulgol at sa sobrang sakit na aking nararamdaman ngayon at itinapon ko sa harapan ni Matthias ang hawak kong box kung saan nasa loob ang binili ko na cheesecake para sa kanya. Natapon ito sa sahig at nanlaki ang mga mata ni Matthias sa gulat at muling napatingin sa akin. “Sarah!” Tinignan ko siya ng masama. “I hate you! Ang sama mo! I hate you so much!” sigaw ko at itinulak siya palayo sa akin nagmamadali akong lumabas sa kanyang opisina habang patuloy pa rin sa pag-iyak. “Sarah!” Tumakbo ako nang tumakbo kahit na may natatapakan akong mga matalim na bato at natapilok pa ako, pero wala na akong pakialam—mas masakit ang mga sinabi ni Matthias sa akin at sa pag reject niya sa pagmamahal ko sa kanya. Mas masakit iyon kaysa sa pagkatapilok ko. Akala ko ay sasaya ako sa pagpunta ko rito, hindi ko akalain na iiyak pala ako sa huli. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD