EPISODE 55 SARAH’S POINT OF VIEW. ANG SARAP NG TULOG KO. Ngayon lang ata ako nakatulog ng ganito kasarap sa buong buhay ko. Ang lambot ng aking hinihigaan at hindi rin ako giniginaw dahil ang init at ang sarap ng niyayakap ko ngayon, ang bango pa! Amoy Matthias—wait, anong sabi ko? Muli ko itong inamoy-amoy at kumunot ang noo ko dahil alam na alam ko kung kaninong amoy ang naamoy ko ngayon—kay Matthias! Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at napasigaw ako nang malakas ng mukha ni Matthias ang agad na bumungad sa aking harapan. Nakayakap ako sa kanya at nakasandal ako sa kanyang braso. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at si Matthias naman ay napatihaya at nakita ko na sumimangot ang kanyang mukha habang nakapikit pa rin siya sa kanyang mga mata. “Hmm, ang ingay! Natutulog p

