EPISODE 46 SARAH’S POINT OF VIEW. “Sarah, bakit hindi na lang si Matthias ang sukatan mo para sa coats ng mga boys? Wala pa kasi ang fiance ko kaya itong pinsan ko na lang muna. Masyado kasi ‘tong busy si Matthias kaya siya na muna ang kunan mo ng size.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sabihin iyon ni Liz. Nakita ko rin ang pagkunot sa noo ni Matthias na para bang naguguluhan siya sa sinabi ng kanyang pinsan. Napakurap ako sa aking mga mata at umiling at pinilit ko na ngumiti kay Liz. “H-Huwag na muna ngayon, Liz. Nag se-sketch pa naman ako sa mga designs. Hindi pa naman kailangan ng mga sukat kaya okay lang,” sabi ko sa kanya at mahinang tumawa. Napatango naman si Liz at bahagyang ngumuso. “Bakit hindi na lang si Mommy ang kinuha mo na designer sa gown mo, Liz? Ayaw mo ba kay

