EPISODE 39 SARAH’S POINT OF VIEW. EDINBURG, SCOTLAND NANDITO na ako ngayon sa Edinburg, kung saan nakatira ang mga magulang ni Mommy—my grandparents. Masaya sila na sabihin ko na dito na ako mag sastay sa Scotland dahil sila lang dalawa ang magkasama dito at ngayon ay kasama na nila ako… at ang aking baby. Isa rin sa rason kung bakit ko napili na dito ako sa Edinburg na manirahan ay dahil sa kanilang magandang lugar at sa kakaibang structures ng kanilang mga pamamahay. Ang tahimik din kasi dito, kaya rin siguro naisipan ng grandparents ko na dito na sila manirahan hanggang sa naging citizen na talaga sila rito at hindi na bumalik na manirahan sa Pilipinas. Maganda rin ang universities dito sa Edinburg at nag inquire na rin ako para sa aking pagbabalik sa pag aaral sa fashion designing

