EPISODE 70 KAY TAGAL NA KITANG HININTAY SARAH’S POINT OF VIEW. “Mama, alam mo ba na palagi ko itong napapanaginipan?” Napatingin ako kay Marcus nang magsalita siya. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at binuhat ito at pinaupo sa aking hita. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tinignan siya. “Hmm, anong panaginip ba ‘yang tinutukoy mo, anak?” tanong ko. “You and Papa, Mama. You’re wearing that wedding gown… and you’re marrying Papa. Palagi kasing kinukwento ng mga kaklase ko noon ang kasal ng mga parents nila at kung gaano ito ka magical. Ako naman ay wala akong maipakita sa kanila kasi malayo si Papa at nahihiya ako na itanong sa inyo kung kinasal ba kayo ni Papa noon.” Napakagat ako sa aking labi at hindi mapigilan na makaramdam ng lungkot habang sinasabi iyon ni Marcus ngayon. Hinap

