EPISODE 43 SARAH’S POINT OF VIEW. “Elizabeth Hernandez wants you to be her designer, Sarah. Pero kailangan mo lang talagang bumalik dito sa Pilipinas dahil isang buwan ang itatagal o mahigit isang buwan pa ang itatagal nito dahil buong invited sa kasal ay ikaw naatasan na mag design sa mga susuotin nila. Bigatin ang kasalan na ito, Sarah. Marami ka pang makukuha na opportunity pag tinanggap mo ang offer na ito.” Napakagat ako sa aking labi at napaisip sa sinabi ni Adele sa akin habang kausap ko siya sa phone. Tuwang-tuwa ako nang kinontak ako ng isang sikat na artista at model na si Elizabeth Hernandez. Ikakasal na rin ito sa isang business tycoon at ako ang kanilang napili na maging designer sa susuotin nila sa kanilang kasal, pati na rin ang mga bridesmaid, at lahat ng kasali sa kasal

