CHAPTER 14

1270 Words
Nakasimangot ako habang nagsusulat ng aking istorya. Bakit? Kasi naman e... bakit kaya hindi ako pinapansin ng seatmate ko ngayon? Tahimik lang siya at gumuguhit. Kanina ay tinawag ko siya, pero ni hindi man lang siya lumingon sa ko. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hayaan mo na nga lang siya, Ice. Makinig kana lang ngayon sa gurong nagtuturo sa unahan. Muli akong napabuntong hininga. Tinigil ko muna ang pagsusulat dahil batid ko na wala ako sa tamang mood ngayon para magsulat. Pagkatapos ay tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa aming guro. May nagawa kaya akong masama? Galit kaya siya sa akin? ZACH Nandito pa din kami sa rooftop ngayon at kumakain. "A, Is it really alright to eat it? Its okay kung ayaw mo." nag-aalalang saad ko sa kanya. Hindi siya nagsalita o tumango man lang. Patuloy lang siya sa pagkain. Kaya hinayaan ko nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Uy, Zach! Mayroon ka pa ng chocolate? Penge naman ako. Hihi." Tsk! Nakalimutan kong may kaibigan nga pala akong matakaw. Buti nalang at may natira pa kong chocolate. Agad ko iyong kinuha at inabot sa dalawa. Kahit si Sean lang talaga ang nanghingi. Tss. "Yey! Thanks. Yan ang gusto ko sa'yo, Zach. Haha." Pasasalamat agad ni Sean pagkakuha ng chocolate. "Thanks for this..." saad rin naman ni Zeus. Tuwang-tuwa pa nilang inabot yung chocolate na gawa ko. Lalo na si Sean. Tsk! Takaw talaga ng isang 'to! "Wow! Sarap naman pala nito, Zach. Mayroon pa ba? Hihi." Hala? Humirit pa talaga siya. Sumosobra na ang isang 'to e. Batukan ko kaya siya? "Tsk! Time na. Pumasok na tayo." pag-iiba ko ng usapan at saka tumayo na pagkatapos ayusin ang baon ko at ligpitin ang mga lalagyan ng chocolate na ginawa ko. "Mel-" Naputol ang sasabihin ko ng mapansing wala na pala si Melody. Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan at nagkabit-balikat lang sila sa akin. Nagmamadali akong bumaba ng rooftop dahil baka sakaling maabutan ko pa siya. Pero, hindi na nangyari yun dahil pagkarating ko sa classroom ay nakaupo na siya sa upuan niya. Tsk! Hindi man lang siya nagpaalam kahit sa kaibigan ko man lang. Kung sa bagay, ganon naman talaga siya. Pero, buti nalang pagkarating ko ay wala pa ang next teacher namin. Kasunudan ko ding dumating ang mga kaibigan ko na mukhang hinihingal pa. Maya-maya pa ay dumating na din ang teacher namin kaya agad na din kaming umupo sa kanya-kanya naming upuan. •••• Pagsapit ng uwian ay agad kong niyaya si Melody na pumunta sa park. "Melody, Tara dali! Pumunta tayo sa park ngayon!" pagyaya ko na naman sa kanya. Nanliit ang mata niya sa sinabi ko. "What? Uwian na at ilang oras nalang malapit ng maggabi." tugon niya. "Oo, alam ko naman yun. Pero, may gusto lang akong ipakita sa'yo sa park. I think hindi mo pa nakikita ang bagay na yun at sa tingin ko magugustuhan mo din siya kapag nakita mo. So, please..." paliwanag ko sa kanya. Ilang minuto niya akong tinitigan para suriin kung seryoso ba talaga ko sa sinasabi ko. Then, pagkatapos ng ilang minutong pagtitig niya sa akin ay bumuntong hininga siya at saka nagwika. "Okay." saad niya. Napangiti agad ako dahil sa pagpayag niya sa nais ko. Ngunit agad ding nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ang dalawang baliw kong kaibigan sa likod ni Melody at malokong nakangiti sa akin. Kung ano mang binabalak nila, mukhang hindi ko iyon magugustuhan. Tsk! "Sama kami, Zach. You know? Hindi kana kasi sumasama sa amin ni Zeus kaya kami nalang ang sasama sa'yo. Hahaha." wika ni Sean at saka tumango-tango. "Ang talino ko talaga." dugtong niya pa. Si Zeus ay nagkabit-balikat lang sabay tingin kay Sean. Hala? Hindi niya ba alam na moment namin ni Melody 'to? Tsk! Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? "Tsk! Sasama talaga kayo?" nakasimangot ko pang tanong sa kanila. Tumango lang si Zeus habang ito namang si Sean, tsk! Madaldal talaga siya kahit kailan. "Oo naman, Zach. You know? Magkaibigan tayo simula bata pa at alam mo naman na nandito lang kami lagi para sa'yo. Kasama mo kami lagi, kaya..." Napahinto sa pagsasalita si Sean ng titigan siya ni Melody. Kahit expressionless ang mukha nito, parang sinasabi nito kay Sean na, 'Hindi kaba tatahimik?' Haha. Bagay lang yan sa kanya. "E? Gusto ko lang naman sabihin na curious lang ako sa sinasabi ni Zach kanina. Hehe." wika ni Sean dito. A, yun naman pala ang dahilan niya. Parang baliw kasi kung anu-anong pinagsasabi e. Anong konek ng pagiging magkaibigan namin sa kagustuhan niyang sumama sa amin ni Melody, hindi ba? Tss. •••• Pagkadating na pagkadating namin sa park ay agad kaming umupo sa mga bench doon. Samantala, napapabuntong hininga naman na nagwika si Zeus kay Sean. "Kailangan ba talaga kapag pumunta sa park ay may dala pang pagkain, Sean?" "Hehe. Para naman hangga't wala pa ang kung ano mang sinasabi ni Zach, may kinakain tayo." sagot ni Sean sa kanya. "Bahala kana nga, Sean. Yan ang gusto mo e." napapabuntong hiningang muli na sagot dito ni Zeus. Well, bata pa lang naman kaming tatlo ay matakaw na yang si Sean. Tsk! "So, ms. Melody. Why not tell about yourself naman?" Natigilan ako sa sinabi ni Zeus. Teka, teka. Ginagawa niya ba ito para sa akin? Then, okay din pala na sinama ko siya. Natigil naman sa pagbabasa ng libro si Melody at saka nagwika. "I prefer to remain mysterious and make their own judgement calls about me that to always tell who I am and what I'm about." walang emosyong tugon niya. Natahimik kaming tatlo dahil sa sinabi ni Melody. Hula ko, sa librong binabasa niya galing yung sinabi niya. You know? Ang ka-face niya lang naman kasi lagi ay ang libro niya. Well, pareho naman sila ni Zeus. Mahilig sa libro at sa mga fiction. By the way, nandito na nga pala kami sa park at gabi na ng makarating kami dito. Bakit? Si Sean ang dahilan. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa pagkain, dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng pagkain para kay Sean at sa sobrang bagal niyang mamili ay ginabi na nga kami. Lahat daw kasi ng pagkain na nandoon ay masasarap kaya hindi agad siya makapili kung ano ba ang kukunin niya. Hanep siya! Back to reality. Mga ilang minuto nalang at malapit ng mangyari ang sinasabi ko. Kaya naman panay ang tingin ko sa aking relo. Si Sean at Zeus ay pinagpatuloy lang ang kanilang walang kuwentang sagutan habang si Melody naman ay nagpatuloy sa pagbabasa habang nakikinig ng musika. "Melody, come here!" saad ko sabay hila kay Melody papuntang wishing fountain. Napahinto siya sa pagbabasa dahil sa paghila ko sa kanya. Hindi na ko nagsabi sa dalawa ko pang kaibigan dahil mukhang busy pa din sila sa pagsasagutan tungkol sa pagkain at libro. Tsk! "Wait... What do you think you're doing?" tanong ni Melody sa akin pagkarating namin sa fountain. Naalala niyo pa ba ang wishing fountain na nabanggit ko noon? Nandito nga kami ngayon. "10... 9... 8..." bilang ko at hindi na pinansin ang sinabi ni Melody. Kaya tumahimik nalang din siya at nakinig sa akin. "3... 2... 1!" sigaw ko. Biglang tumaas ang tubig sa paligid na pinagbabagsakan din mismo ng tubig. Pagkatapos sa pinaka gitna kung saan lumalabas ang tubig ay may rainbow light. Kaya ang ending, yung light na yun ay napapaligiran na din ng tumataas na tubig. Nagulat at natigilan si Melody sa nakita at sa unang pagkakataon, nakita kong gumuhit ang inosente niyang ngiti sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD